Friday , November 15 2024

Congratulations Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach!

00 Bulabugin jerry yap jsyBAGO magwakas ang 2015 ‘e humabol pa ng buenas ang ating Bb. Pilipinas na si Ms. Pia Alonzo Wurtzbach na nanalong Miss Universe sa Las Vegas, Nevada (USA).

Siya ang ikatlong Miss Universe ng Filipinas, kasunod nina Ms. Gloria Diaz at Ms. Margie Moran-Floirendo.

Halos apat na minuto rin nawala ang korona kay Pia dahil nagkamali ang host na si US comedian Steve Harvey nang unang banggitin na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nagwaging Miss Universe gayong ang nasa card ay si Miss Philippines.

Agad naman humingi ng paumanhin si Harvey at inako ang responsibilidad sa pagkakamali. Kaya agad ding naiputong ang korona kay Ms. Pia.

Paborito nang lahat si Pia dahil sabi nga mismo ng audience, “She is beauty and brainy.”

Matapang ding ikinampanya ni Pia ang kanyang adbokasiya tungkol sa HIV.

Sabi nga niya… “I want to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart.”

Iba talaga ang Pinay… maganda, elegante at matalino.

At ibang klase rin magamahal…

Kaya siguro maging si PNoy ay nahumaling kay Miss Pia.

Nagpapasalamat din nga pala tayo sa mga kababayan natin sa buong mundo na sumuporta at bumoto kay Pia dahil siya ang nanalo sa Global Fan Vote.

Sa mga kababayan natin sa Gabriela, hinay-hinay lang, pwede n’yo naman sigurong sulatan si Ms. Pia para ipaliwanag sa kanya ang isyu ng US military bases.

O kaya naman hamunin ninyo ng public debate.

Huwag n’yo siyang awayin sa social media. Kasi hindi naman siya uupo lang sa buong maghapon para sagutin nang sagutin ang mga upak ninyo sa kanya.

Baka mas maliliwanagan pa niya ang isyu kung makikipag-usap kayo nang maayos.

Huwag n’yo siyang husgahan sa social media. Muntik na ngang maagawan ng korona ‘e.               

‘Yun lang.

Pagala-galang TV5 reporter kilala kaya ni Ms. Luchi Cruz-Valdez?

Gusto nating tawagin ang pansin ni TV5 news and public affair chief, Ms. Luchi Cruz-Valdez tungkol sa nagpapakilalang reporter nila na pagala-gala sa Lawton at sa Intramuros.

Nagtataka kasi ang inyong lingkod kung bakit madalas nating nakikita sa Bureau of Immigration  (BI) o kaya sa isang barangay hall sa Arroceros at kung minsan naman ay sa city hall.

Wala namang masama, kung ‘yan ang mga beat niya or area of coverage niya.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit minsan ay dumating siya sa opisina ng piskalya at nagpakilalang kinawatan ‘este’ kinatawan siya ng isang barangay chairman at kumukuha ng kopya ng rejoinder affidavit.

E tagasaan ba talaga o ano ba talaga ang trabaho nitong isang Perd Sevilla na laging may nakasabit na identification card ng TV5?!

Kilala mo ba ‘yan Madam Luchi Cruz Valdez?

Talaga bang taga-TV5 ‘yang Perd Sevilla na ‘yan?!

Aba kung taga-TV5 ‘yan baka hindi pa ninyo alam na napakasipag niyang mag-moonlighting lalo na sa isang  barangay chairman.

Pakibusisi n’yo lang po at baka ‘nagagahasa’ na ‘yang ID ng TV5!

Fruit vendors sa Divisoria nasa gitna ng kalsada

SIR JERRY kya naman sobra traffic dito sa Divisoria kasi mga vendor ng prutas na nakariton hinahayaan lang ng mga pulis na sa gitna mismo ng kalsada nagtitinda. Hindi b pweda sa tabi lng sila ilagay o malaki ang lagay? #+63918447 – – – –

Tao pa rin ang magpapasaya

NANDITO na muli tayo sa panahon ng pagpili muli sa magiging kapalaran nitong bansa natin. Tunay na may kulang sa pagiging ganap na bansa matagal nang gutom at uhaw sa ganap na pagbabago na naging mailap makamtan bunga ng mga kamalian at kawalan ng tamang pagmamalasakit sa ating lipunan. Nilalamon ng mga maling paniniwala tayong mamamayan pa rin mismo ang babago o guguhit ng magiging kapalaran nitong bayan nating na manhid na rin sa masaklap na kabiguan at makamtan ang walang humpay na paghihirap at ginagawa tayong busabos sa sarili bayan. Mabuhay ka, Jerry. #+63919665 – – – –

Perhuwisyong kontraktor

ANG mga kontraktor sa lugar namin ay perhuwisyo. Ang baho sa labas ng kalye ang tubig kanal. #+63999921 – – – –

Gen. Nana basahin ninyo ito!

MAGANDANG gabi Mang Jerry, nais lang ipaalam ang ginawang pang-aabuso ng isang pulis ng Station 4 sa isang detainee na hanggang ngayon ay itinatago ng*******.  Gud pm Mang Jerry tinatago sa media ang pag-rape ng isang pulis Agbulos sa isang presong babae na nangyari s loob mismo ng Station 4 noong Nob. 28, 5pm. Kawawa po kami nakakulong dito puro kotong mga pulis. Nambubugbog pag nagbgay ng pera tapos mangre-rape pa. Saklolo po.

 #+63977752 – – – –

Mag-ingat sa DSF Housework Agency

GOOD am sir I have read your FB post re DSF housework agency I was scammed by this manpower office fo 11k +63906185 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *