Nakatutuwang dumalo sa Christmas Dinner Party ng SPEED na nagsilbing host sina Ervin Santiago (Bandera entertainment editor), Tessa Mauricio-Arriola (Manila Times entertainment editor), at Dondon Sermino (ng Abante), ang tatlong TV networks sa bansa. Naroon ang representative ng taga-Corporate Communication ng ABS-CBN (headed by Kane Errol Choa), GMA 7 (sa pangunguna ni Angel Javier), at TV5 (headed by Peachy Vibal-Guioguio).
Dumalo rin sa SPEED party sina Jonalyn Viray at Dessa na bumirit sa party na alaga ng kaibigang Chuck Gomez, Kapuso leading man na si Rafael Rosell na siyang ipinadala ng manager niyang si Popoy Caritativo, ang all-male group na 1:43 at JBK na mina-manage ni Chris Cahilig; at ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan na bagamat may concert pa kinabukasan ay hindi nag-atubiling magpunta kasama ang manager niyang si Jobert Sucaldito.
Nakisaya rin ang Pilipinas Got Talent Season 1 grand finalist na si Alakim na nagpakitang-gilas sa pagma-magic. Salamat sa ating kaibigang entertainment columnist and talent-manager na si Jojo Gabinete. Salamat din kina Migz and Maya na sumuporta kasama ang kanilang manager na si Perry Lansingan.
Maraming salamat din sa Managing director for B Hotels of The Bellevue Hotels na si Mr. Rayan Chan gayundin kay Suzette Morelos para sa aming venue, ang B Hotel.
Nagpapasalamat din kami sa lahat ng nagbigay ng tulong, pa-raffle, pagkain, at regalo at iba pa sa aming grupo na talaga namang nagpasaya ng aming gabi noong Disyembre 17. Salamat din kina Nanay Cristy Fermin, Smart (Kaye Losorata), Globe (Yoly Crisanto at Butch Racquel), Cornerstone Managament ni Erickson Raymundo, Puregold, at Genesis Management nina Angeli Pangilinan at Gary Valenciano. Many thanks din sa Chooks to Go at kay Michael Angelo Lobrin, Sen. Grace Poe, Sen. Chiz Escudero, Kuya Boy Abunda, Joed Serrano, Judy Ann Santos, Toby Tiangco, Susan Joven, Edu Manzano, Luis Manzano, Karla Estrada, Aileen Go, Atty. Persida Acosta, Gov. Vilma Santos, Biboy Arboleda & Coco Martin, Malou Choa Fagar, Atty. Joji Alonzo, June Torrejon, Arnold Vegafria, John Lapus, Dingdong Dantes, Camille Montano, 20th century , Gigi Lara, at Tates Gana.
Pasasalamat din ang hatid namin sa San Miguel Corporation (Jayson Brizuela, Jon Hernandez), Sen. JV Ejercito, Sen. Manny Villar (thru Ms. Avic Amarillo, Obra ni Juan, Accel Sports, Joy Buensalido, Ana Manansala, Fernando’s Bakeshop (Pinky Fernando), Marie France and Facial Care Centre (NJ Torres), Ai Ai delas Alas, Mayor Herbert Bautista, Manny Valera, APT (Rams David), Jay Gonzales, Kris Aquino, Macy Pineda, Annie Ringor, Melissa de Leon-Joseph, EON, Susan Joven, ATC (Albert Chua at Leah Salterio); Maloli Espinosa, at Edd Fuentes.
Ang SPEED ay pinangunahan ng pangulo nitong si Isah Red ng Manila Standard. Ang iba pang mga kasapi rito ay sina Eugene Asis (VP for internal, People’s Journal); Jojo Panaligan (VP for external, Manila Bulletin), Ian Farinas (Secretary, People’s Tonight), Gie Trillana (Asst. Secretary, Malaya Business Insight), Salve V. Asis (Treasurer, PSN at PM), ang inyong lingkod bilang assistant treasurer, Dindo Balares (Auditor, Balita) at Dinah Ventura (Auditor, Daily Tribune), Dondon Sermino (Abante) at Tessa Mauricio- Arriola (The Manila Times) bilang mga PRO. Ang mga adviser ay sina Ricky Lo ng The Philippine Star at Nestor Cuartero ng Tempo/Manila Bulletin. Board Member naman sina Gerard Ramos (Business Mirror), Ervin Santiago (Bandera), Jerry Olea (Abante Tonite), Janice Navida (Bulgar), at Rohn Romulo (People’s Balita).
Sa lahat ng nakasama namin sa aming Christmas Dinner Party, muli ang taos-puso naming pasasalamat.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio