TULOY na ang pagsali ng Pilipinas sa 2016 FIBA 3×3 World Championships na gagawin mula Oktubre 11 hanggang 15 sa Guangzhou, China.
Isa ang ating bansa sa 20 na kasali sa torneo na gagawin sa ikatlong sunod na pagkakataon.
Ito ang unang beses para sa Pilipinas na kasali sa men’s competition.
Nakuha ng Pilipinas ang puwesto sa torneo pagkatapos na nakapasok ang tropa ni Calvin Abueva sa quarterfinals ng huling FIBA 3×3 World Tour final na ginanap sa Dubai.
Bukod pa rito ay sumali ang ating bansa sa katatapos na FIBA 3×3 All-Stars sa Qatar kung saan naglaro sina Kiefer Ravena at Jeron Teng.
Ilan sa mga manlalarong balak ipadala ng Pilipinas sa torneo ay sina Abueva, Ravena, Teng, Kobe Paras at Terrence Romeo.
Ang iba pang mga bansang kasali ay ang Andorra, Brazil, China, Egypt, Indonesia, Italy, Japan, Netherlands, New Zealand, Poland, defending champion Qatar, Romania, Russia, Serbia, Slovenia, Spain, Turkey, Estados Unidos at Uruguay. ( James Ty III )