HE’S got the moves baby!
Not like Jagger, but carbon copy of Maroon 5’s Adam Levine—na ka-familiar sa mukha at sa boses!
Siya ang icon na natoka at ginaya ni Michael Pangilinan sa nagtapos na 2nd season ng Your Face Sounds Familiar sa Kapamilya na si Denise Laurel ang nag-grand champion at pumangalawa ang bagong kilabot ng mga kolehiyala.
Sa showdown pa lang ng reality show, pinatunayan ni Michael na kilabot nga siya ng kababaihan dahil may mystery woman from the audience na naglakas-loob talaga na halikan sa lips si Michael. Na buti na lang at may presence of mind ito at hindi na-rattle at walang nakalimutan sa lyrics ng kinakanta niya at ng sinasakyan niyang katauhan that moment.
Hindi na nalaman ang pagkakakilanlan sa nasabing babae although may nakapagsabi sa amin na malamang na sa Resorts World ito nagta-trabaho.
Hindi pa rin nagsi-sink in kay Michael na dinala siya ng pagiging dark horse niya sa ikalawang puwesto!
“Malaking pasasalamat sa Panginoon kasi, ang daming blessings na patuloy na dumarating sa buhay ko. Rito lang sa ‘YFSF’, sobra talaga. Lima kaming naglaban. Nakapasok pa ako. At pumangalawa pa. At text votes! Kaya, lubos ang thank you ko sa lahat ng naniwala na kaya ko ang ginawa ko.”
Michael Sounds Familiar naman ang agad-agad na hatid ni Michael sa kanyang post-birthday concert sa Music Museum sa Biyernes (December 18, 2015) na isa sa very special guest niya ang isa pang kilabot sa entertainment stage during his time na si Mr. Shades na si Randy Santiago, na isa rin sa mga idol ni Michael!
By January 2016, his album will be released at ipalalabas na rin ang Joven Tan film na Pare, Mahal Mo Raw Ako.
Ano pa ang hihilingin ni Michael?
“This Christmas, happy na ako na makapiling ko ang buong family ko na magba-bonding lang kami talaga. Nagpapasalamat ako sa manager ko, si tito Jobert (Sucaldito) na tinuruan niya akong maging patient sa lahat ng bagay. Na kailangan kong magdesisyon, na kailangan kong harapin. Sabi niya, I must be doing something good para ganito ang mga biyaya na dumarating sa akin. In spite of mga kaakibat din na paghila sa akin pababa ng ibang gustong hadlangan ang dinaraanan ko.”
Michael’s dream is to really have his new house. Nakatulong na siya sa pagigng partner sa business that his Dad and brother opened, isang bar para sa buong pamilya.
Masaya ang ngiti ng 2016 kay Michael. Bukod sa album at pelikula at malamang isa pang play na susunod sa Kanser, kaliwa’t kanan na rin ang offer sa kanya to do shows in Canada nd the US!
He truly has got the moves. And the moves are pointing him too, in the right direction!
HARDTALK – Pilar Mateo