Monday , December 23 2024

Medical Malpractice sa Immigration?

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI pa palang nabiktima bukod sa mga nakaranas ng maling pahayag o certification si Dra. Monte-engot ‘este’ Montenegro, ang certified Madam Auring ‘este’ Doctor ng Bureau of Immigration (BI)?!

May isang pangyayari raw na nagpunta sa clinic ang isang BI organic employee para humingi ng gamot dahil tila naha-high-blood or may palpitation.

Ang siste bigla raw nag-iba ang pakiramdam ng kaawa-awang organic employee matapos bigyan ng kung anong tableta ni kwak-kwak ‘este’ doktora at tuluyan daw itinakbo sa ospital na muntik pang ikinamatay!?

De-ray ku pu!!!

Balitang sa ICU pa raw bumagsak ang pasyente at kahit gustong magreklamo, nanahimik na lang sa takot na baka siya pa ang mapasama.

Mahirap talaga ‘pag may pinagdaraanan ang isang gaya nitong si Madam Auring ‘este’ Montenegro!

Gaano kaya karaming empleyado at kliyente ng Bureau ang nadisgrasya ‘este’ naperhuwisyo o maaaring maperhuwisyo kung ganyang sumasablay siya sa kanyang panggagamot?

Bakit hindi na lang kaya ipermanente sa Warden Facility sa Bicutan ang beauty nitong si doktora?

At least, doon, konti lang ang pwedeng maperhuwisyo kaysa naman diyan sa BI main office na mas marami ang tao?!

Ano sa palagay ninyo, mga suki!?

Reaction sa Mandaluyong “Swimming Pool”

SALAMAT dito, Jerry. Bukod sa peligro sa buhay, peligro rin sa kalusugan ang tila permanenteng baha (kahit walang bagyo o ulan, baha pa rin) diyan sa Maysilo at bahagi ng Boni Ave. Maitim ang tubig dahil sa makapal na putik at nakasusulasok ang amoy. Kawawa ang mga nakatira malapit dito at ang mga dumadaan lalo na ang mga nakasakay sa pampasaherong jeep. Apektado rin ang mga negosyo sa nasabing lugar at may mga nagsara na. Hindi nga salita, pero nasaan ang gawa? +639169400 – – – –

GOOD am sir. Maraming salamat at kahit pano na-voice out ang sama ng loob namin. Kahit alam namin na di ma-action-an kc isang taon na dn cla ganun. Pag-asa lang muna na sana matakpan muna ni Mayor ang hukay. Feel namin may mahuhulog ulit diyan at sana hndi mamatay. Tnx po. +63915676 – – – –

Color games sa Taal Batangas

FYI PNP Calarbazon RD Gen. Richard Albano, naitimbre na ba sa inyo ang humahataw na color games nina ‘TITA’ na naka-umbrella kay RYAN  alias ‘Batangueño.’ Dalawang buwan na palang nag-o-operate ‘yan, Sir!

Color games sa AOR ng MPD PS-2

SIR sa R-10 paglampas ng Moriones, front po Bingo pero may dalawang tent covered po na Blue lona na color games. Sa Sto. Niño, Tondo meron na rin po. Now you see, now you don’t pero ang info po, nilluto na para maging puesto pijo. +63917220 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *