Friday , December 27 2024

Cinefone Filmfest, sinimulan na ni Tolentino

121815 francis tolentino
MOVIE moves! Kung inabot ng kaliwa’t kanang bugbog nang maging MMDA Chairman ang lawyer by profession at naging three-term mayor ng Tagaytay na si Francis Tolentino, nagkaroon ito ng pagkakataon para makatanggap ng mainit na yakap at halik sa mga binibigyan niya ng tuon at pansin sa gagawin niyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa politika—sa Senado!

Nakuha ni Tolentino ang pulso ng entertainment press at nang maghatid ito ng salo-salo, agad na nasabi nito ang intensiyon niyang tulungan ang movie industry.

Ilang tumakbo na sa politika ang katakot-takot na pangako ang binitiwan sa movie press lalo na sa mga gagawin nilang pagtulong pero marami sa mga ‘yun ang salita lang.

Sa pagkakataong ito, ninanais ni Tolentino na ipagpatuloy pa ang nasimulan na nila noon nang maging MMDA Chairman siya na humawak sa MMFF (Metro Manila Film Festival). At tumuturo nga sa film piracy at pagpasok ng mga foreign film sa paghina ng kita rito.

“I want to continue my advocacy in reviving our film industry by giving incentives.”

Nasimulan na pala nito ang nagpapatuloy na Cinefone o Cell Phone Film Festival para sa mga high school at college students sa buong bansa. Mga 3-minute films ito base sa mga paksa o tema na tungkol sa environment protection, disaster preparedness, at road safety.

May mga ipinagkakaloob din siyang lectures tungkol sa filmmaking at short courses sa film production para sa mga eastudyante sa kolehiyo.

At sinumulan na rin nitong imungkahi ang Film Development Act 2016 na magbibigay subsidiya sa mga local filmmaker na lalahok sa mga international film festival. At ang mga magwawagi eh, bibigyan din ng karampatang rewards.

Ito ang matagal nang pinapangarap ng mga filmmaker na umiikot na sa sari-saring festivals abroad—ang suporta ng gobyerno.

Kaya ayon kay Tolentino, ang mga local producer nga raw ay bibigyan ng tax incentives lalo na sa panahon ng tag-araw na magpo-produce sila kung kailan iniri-release sa buong mundo ang mga banyagang pelikula.

“That’s the best way to help our Filipino filmmakers and producers to encourage them to continue making movies,”  ayon pa sa dating Chairman.

At sa kanyang proposed law, isasama ang film industry employees at kanilang mga pamilya para paglaanan ng suportang pang-kalusugan, medical, at edukasyon.

At kung gagawa naman ng mga pelikulang magtatampok ng Flipino values, culture at history eh, pagkakalooban naman ng funding at technology assistance at promotional support kung ipalalabas sa ibang bansa.

Ang bottomline ni Chairman, patuloy na sawatahin ang pamimirata!

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *