Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anabelle Rama inilunsand ang librong Day Hard!

121815 annabelle rama day hard

00 Alam mo na NonieINILABAS na sa wakas ang pinakaunang libro ni Annabelle Rama nitong nakalipas na December 15. Pinamagatang ‘Day, Hard! (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha), ang kanyang unang libro ay punong-puno ng pranka at brutal na payo pero may halong pa-ring katatawa-nan at puso na isang Annabelle Rama lang ang kayang gumawa.

Sa isang press conference na ginanap sa 9501 ng ABS-CBN, pinakita ni Annabelle sa mga piling miyembro ng press ang kanyang libro na halos isang taon niyang pinaghirapang gawin. Punong puno ng wisdom na kanyang naipon dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay, inaalay ni Annabelle ang kanyang libro sa lahat ng babaeng nalilito sa pag-ibig, sa trabaho at pera, at sa kahit ano mang aspeto ng buhay.

Bukod sa pagsagot sa mga tanong sa pag-ibig tulad ng love at first sight, long distance relationships, mga effective gayumas at sabunutan techniques, ang Day Hard ay sinasagot din ang mga tanong tulad ng paghanap ng panalong career at kung paano magkaroon ng masayang buhay pamilya.

Nilimbag ng ABS-CBN Publishing, ang “’Day, Hard!” ay ang pinakabagong dagdag mula sa successful na mga celebrity books ng ABS-CBN Publishing. Kasama na ni Annabelle ang mga bestselling authors na sila Senator Miriam Defensor Santiago, Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaff and Ramon Bautista.

Ang libro ay exclusive na mabibili mula sa National Book Store at Powerbooks outlets nationwide for only 175 pesos.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …