Friday , November 15 2024

PNP-QCPD the real drug buster

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI na tayo nagtataka kung bakit unti-unting umiiwas ang mga illegal drug trader ngayon sa Quezon City.

Alam kasi nilang hindi sila tatantanan ng Quezon City Police District (QCPD) na kasalukuyang pinamumunuan ni Chief Supt. Edgardo G. Tinio bilang District Director.

Halos ilang buwan pa lang sa QCPD si Gen. Tinio pero hindi matatawaran ang malalaking huli nila sa kanilang matitinding ope-rasyon laban sa ilegal na droga.

Natatandaan pa natin ang sinabi ni Gen. Tinio, galit siya sa droga kaya hindi niya hahayaang mamayagpag ito sa Quezon City lalo’t siya ang district director.

True to his words, sunod-sunod na inupakan ni Gen. Tinio ang malalaking operations ng droga sa kanyang area of responsibility (AOR).

Nito ngang huli ‘e umiwas pa sa Cubao at dinala pa doon sa Macapagal Blvd., sa Pasay, pero hindi nakatakas sa matalas na pang-amoy ng intelligence group, special operations unit at ng anti-illegal drugs unit ng QCPD kaya hayun nasakote ‘yung Chinese national at dalawa pang kasama sa sindikato.

Kamakalawa naman, 10 kilo ng shabu ang nasakote at nakompiska.

Super-effort na po ang ginagawang ito ni Gen. Tinio. Wala po tayong masabi dahil hindi lang palabra de honor ang matibay kay General, buong-buo ang kanyang tapang at paninindigan dahil hindi man lang siya nagdalawang-isip para paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Binabati rin po natin ang kanyang mga opisyal na sina Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) at Supt. Jay Agcaoili ng District Special Operation Unit (DSOU) na katulong niya sa pagpapatupad ng nasabing kampanya.

Kudos po sa inyong lahat!

Mabuhay ka, Gen. Tinio!

Senior Citizens sa Graces-DSWD pinasaya ng PAGCOR

Isa sa mga pinasaya ngayong Pasko ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang may 180 senior citizens sa Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases (GRACES) sa Quezon City sa ikalimang araw ng kanilang Pamaskong Handog 2015.

Bukod sa Noche Buena gift pack sa  bawat isa, donasyong grocery items, bedsheets at 20 wheelchairs sa institusyon ay hinarana pa ang senior citizens sa pamamagitan nina The Voice Season 2 Grand Finalist Bradley Holmes, PAGCOR’s in-house artist Eboy Quizol at ng PAGCOR Voice Symphony.

Isa siguro ito sa Paskong hindi malilimutan ng ating mga senior citizens sa GRACES-DSWD Quezon City.

Mabuhay ka Pagcor Chairman Bong Na-guiat!

Sampalan Blues nina Mar Roxas at Digong Duterte (Umpisahan na!?)

Nagulat naman ako sa dalawang presidentiable na biglang nag-SAMPALAN blues sa ere at sa social media.

Aruykupu!

Bakit naman sampalan agad-agad?

Bakit hindi suntukan o kaya ay duelo?!

O bakit hindi na lang sila mag-debate sa kanilang plataporma de gobyerno?

Pasintabi sa mga kaibigan nating LGBT — bakit naman parang biglang nabakla ang mga hamunan ninyo — SAMPALAN?!

Biglang naging Cherry Gil at Sharon Cuneta ang eksena, ay sus!

Kahit na magpakita pa ngayon ng Diploma mula sa Wharton si Mar, at si Digong ay Diploma mula sa Ateneo de Davao, ‘e anong halaga?!

‘E daig n’yo pa ang mga palengkerang bakla sa mga inaasal ninyo!

Magpakalalaki nga kayo!

Kung ayaw ninyo ng debate sa ekonomiya at politika, e magsuntukan at mag-duelo kayo…

Grabe ang type ninyo, SAMPALAN?!

Ano ‘yan, TELE-DRAMA?!

Natulog na ba ang kaso Nina de Pedro at Lucero sa Ombudsman?

Kumusta na kaya ang kaso ng dalawang Immigration Officer (IO) na sina IO Ma. Angelica De Pedro at Head Supervisor ng Clark International Airport (CIA) na si Elsie Lucero?

Kung matatandaan po ninyo, ang dalawa ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa paglabag sa Article XI, Sec. 12 ng Philippine Constitution at Article 171 ng Revised Penal Code at RA 6713 or Code of conduct and Ethical Standards of public official matapos madiskubre na nagkaroon ng ommission and falsification sa Daily Time Record nitong si IO De Pedro habang ang tumatayong Deputy Head Supervisor noon diyan sa CIA ay si Lucero.

Parehong inireklamo ng mga empleyado ng CIA sina IO De Pedro at IO Lucero na noon ay Head Supervisor sa nasabing airport.

Ngayon ay back to BI Commissioner’s office ni Mison itong si De Pedro at sa NAIA naman si Lucero, pero parang biglang tumahimik ang kaso ng dalawa at hindi na ‘ata napagtuunan ng pansin ng Ombudsman!?

Bakit kaya?

Wala kayang kinalaman si Datu Puti sa pangyayaring ito?

Itanong kaya natin kay Ateh ‘este Atty. Roy Ledesma?

Ombudsman Conchita Carpio Morales, pakitingnan nga ho ang case folder ng dalawa at baka masyadong napailalim na sa mesa ninyo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *