Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian Veneracion, itinangging nagseselos ang misis kay Jodi!

121615 Jodi Sta Maria Ian Veneracion

00 Alam mo na NonieITINUTURING ni Ian Veneracion na isang malaking blessing sa kanyaang taong 2015, lalo na ang pagiging bahagi niya ng top rating TV series ng Dos na Pangako Sa ‘Yo. Hindi raw niya ine-expect na magiging ganito kalakas ang suporta ng fans sa kanilang tandem ni Jodi Sta. Maria.

“I’m grateful and thankful for all the blessings of 2015. Hindi ko in-expect. For example, ‘yung Pangako, akala namin ni Jodi, nandoon kami to support KathNiel tapos natutuwa kami, tumataba ang puso namin na may sumusubaybay din pala ng storya ng part namin.

“Nakakatuwa. Napaka-supportive din naman nila Daniel and Kathyrn,” saad ng aktor.

Aminado rin si Ian na komportable na sila ni Jodi sa isa’t isa kaya maganda ang chemistry nilang dalawa.

“Aside from komportable kami sa isa’t isa, in between takes, marami kaming jokes, so minsan napupunta na yun sa eksena. Kapag may dialogue kami, parang ang kapal na ng ibig sabihin ng mga sinasabi namin.

“Siguro another reason kung bakit nag-e-enjoy yung iba na panoorin, kasi alam naman nila na in real life, wala, we’re just being professional. I have a family, I’m married. Alam nila na parang may sexual tension, may forbidden love, baka yun, they find it interesting,” saad pa niya na binanggit din na natural na natural daw ang chemistry nila ni Jodi.

Pagdating naman sa selos factor sa kanyang asawa, sinabi ni Ian na hindi uso sa kanila ito ng kanyang misis.

“Alam naman niya that I am professional pagdating sa trabaho. Si Jodi is very professional. Kilala niya rin si Jodi. Alam niya na magkaibigan kami ni Jodi.

“Kaya naman hindi ako nali-link ever since sa mga leading lady sa showbiz, kasi gusto ko iyong ganoon, to be professional. Even yung kissing scenes, the last thing I want is sabihin na nag-take advantage.

“Gusto ko talaga iyong malinis. You know, ‘yung reputation ko as an actor sa ganoong bagay. Alam ng wife ko iyon. So, walang ganoon, hindi nagseselos iyon.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …