Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panday, pinakamalakas na pasabog ng TV5 sa 2016

121515 richard panday
SA kasaysayan ng MMFF, ilang recent years na ring itinatakda ang parada ng mga artista tuwing December 23 when it used to be on Christmas’ Eve.

Katwiran kasi ng mga artistang may kanya-kanyang entry sa taunang event, ngarag sila kapag nataong December 24 na pag-uwi ng bahay ay at saka lang sila nagkukumahog magprepara para sa ihahaing pagkaing pagsasaluhan ng kanilang pamilya.

Previously, too, tanging ang mga official entry lang parade around on floats na sakay ang mga kumakaway na cast members in the movies. May gimik pang pamumudmod ng goodies sa mga tao scattered all over the streets.

This year, mapalad ang mundo ng telebisyon dahil kabilang sa paparada ay ang float ng Panday, ang karakter ni Flavio na bibigyang-buhay naman ni Richard Gutierrez bilang pinakamalakas na pasabog ng TV5 sa pagbubukas ng 2016.

A komiks character created by director Carlo J. Caparas, hands-on kung tutukan ng batikang nobelista ang kanyang makasaysayang obra made into TV.  Kay direkMac Alejandre ipinagkatiwala ang TV version nito.

Tulad ng film version ng Panday na ginampanan ni FPJ, asahang with the modern technology ay kamangha-mangha ang mapapanood na special effects sa TV.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …