Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tolentino, iaangat pa ang kalidad ng Pinoy movies

121415 tolentino

00 SHOWBIZ ms mSA pagharap ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa entertainment press, sinabi nitong maghaharap siya ng panukalang batas na magtatakda hindi lamang ng tax reduction kundi magbibigay ng subsidy sa mga mahuhusay na pelikula.

Maganda ang balak na ito ni Chairman Tolentino sakaling palarin nga siya sa Senado. Hindi na rin kasi namin mabilang ang mga politikong nangako ng ganito sa tuwing may eleksiyon. Subalit ang lahat ay nauuwi lamang sa pangako.

Sakaling palarin si Tolentino at kung tutuparin niya ang sinabing ito, malaki ang maitutulong nito sa industriya para sumiglang muli ang pelikulang Filipino.

Kapag nagkaroon kasi tayo ng ganitong batas, makagagawa pa tayo ng mas maraming magaganda at de kalidad na pelikula. Hindi lamang kasi tayo makagawa dahil sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno. Kulang na kulang ang budget natin kaya ‘wag magtaka kung marami pa ring pipitsuging pelikula ang ating napapanood.

Hangad naming maiangat nga ni Tolentino ang kalidad ng Pinoy movies kung sakali dahil tiyak din na makapagbibigay ito ng maraming trabaho sa atin.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …