Monday , December 23 2024

Naitakwil na kaya ni Sen. Chiz Escudero ang alak sa sistema ng kanyang buhay?

00 Bulabugin jerry yap jsyMINSAN na nating nabasa sa isang kapwa kolumnista na ang isa sa mga problema ng ibang tao kay Senator Francis “Chiz” Escudero ay ‘yung kapag siya ay nakainom ng alak.

Maingay, mapagmura at parang hindi na alam kung ano ang kanyang ginagawa.

Ganyan daw si Chiz kapag nakainom ng alak. Hindi kasi siya moderate drinker.

Malayong-malayo ‘yan sa ipinakikita niya sa publiko na very cheesy ngumiti at napaka-gentleman.

Isang tipikal na bar goer, nahirati si Chiz na humawak ng bote at baso, kahit saang okasyon siya maimbitahan.

Kaya kung ang okasyon umano ay bitin para sa kanyang pag-inom o hindi niya puwedeng ipakitang siya ay malakas na manginginom, kailangan niyang lumipat sa kanyang paboritong bar para ituloy ang kanyang pag-inom.

Hindi ba’t ito rin ang naging problema sa kanya ng mga magulang ng kanyang misis ngayon na si Heart Evangelista?!

Hindi ang economic status ni Chiz ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng mga Ongpauco noon.

Ayaw ng mga Ongpauco noon ang ugali niyang humaharap nang lasing sa kanila, bilang magulang ng kanyang girlfriend at sa hinaharap ay magiging biyenan.

Kahit na siguro sinong pamilya, konserbatibo man o hindi, mayaman man o mahirap, ay hindi magugustuhan ang pagharap sa kanila ng nobyo ng anak na amoy-alak at umaastang parang sanggano.

‘E di lalo na sa mga Ongpauco na kilalang konserbatibo at sabi nga ay may Chinese roots.

Sabi nga noon ng mga magulang ni Heart, natuwa sila nang mabalitaan na ang kanilang anak ay nakikipagkita sa isang senador na matalino at popular sa masa.  

Kaya talagang nagulat sila nang humarap sa kanila si Chiz na lasing at sumasablay sa good manners and right conduct (GMRC).

Hindi natin alam kung naresolba ang isyung ito sa mga Ongpauco, pero ang alam ng madla, hindi dumalo sa kasal nila ni Heart ang mag-asawang Reynaldo at Cecile.

Dahil sa pagkahilig sa alak, hindi nakapagtataka na ang kanyang unang asawa ay nakilala niya sa isang hotel lobby habang kumakanta at siya naman ay nag-iinom.

At lalong hindi nakapagtataka kung sa isang party rin nagkita sina Chiz at Heart.

At s’yempre as usual, hawak ang basong may alak.

Kaya nga marami ang nagtatanong ngayon, naitakwil na ba ni Chiz sa sistema ng kanyang katawan ang alak?!

Totoo namang bihira sa mga politiko ang hindi manginginom.

Pero bihira rin ang mga kagaya ni Chiz na nagkakaroon ng kakaibang personalidad na parang “Dr. Jekyll & Mr. Hyde” kapag lumalabis ang iniinom na alak.

Sabi nga ng mga bisaya, “Mauy gyud si Chiz!”

Police escorts ng politikong tatakbo sa 2016 Polls ire-recall

Nitong nakaraang linggo pinaalalahanan ng pamunuan ng PNP Security Protection Group (PSPG) ang mga opisyal ng pamahalaan na mayroon na lamang hanggang Enero 10, 2016 para ibalik ang kanilang security escorts sa pambansang pulisya.

Sinabi ni PSPG spokesperson Supt. Rogelio Simon, sinimulan na nilang bigyan ng ‘notification’ ang government officials hinggil sa gagawing recall ng kanilang mga tauhan.

Hindi raw ‘exempted’ ang presidentiables gaya nina Vice President Jejomar Binay, dating DILG Sec. Mar Roxas at Senator Grace Poe.

Nasa 200 tauhan ng PSPG ang kasalukuyang naka-deploy sa mga politiko.

Sa sandaling ma-recall na ang nasabing police escorts ay matetengga muna sila sandali sa kanilang headquarters hanggang muling mai-deploy.

Ang request ng police security escort ay idaraan na ng mga tatakbong kandidato sa Comelec na mag-aapruba sa kanilang request.

Limitado rin sa apat ang maaaring mai-deploy na bodyguards sa mga politikong kakandidato sa susunod na taon.

Maximum na dalawa ang maaari nilang i-deploy na PSPG personnel sa isang kandidato at dagdag na dalawa na maaaring hugutin sa private security agencies.

Okey, klarong-klaro naman pala ang notification ng PSPG.

By the way, ‘yung mga kandidato lang ba ang tatanggalan ng bodyguards?

How about, ‘yung private persons na nakakuha ng bodyguards sa PSPG? Lalo na ‘yung mga medya-medyang dosena ang bodyguards na parang laging susugod sa giyera, hindi ba sila babawian ng bodyguards?!

‘Yung mga Chinese and Korean Casino players, hindi ba sila kasama sa tatanggalan ng police escorts?!

Bakit naman kandidato lang?! E baka hindi natin alam ‘yang private persons na ‘yan ay nakasuso pala kung kani-kaninong politiko?!

Habang ‘yung mga Chinese and Korean Casino players ay miyembro naman ng mga sindikato?!

Bukod sa PSPG, marami ring politiko at private persons ang may sariling private armed groups (PAGs).

Ayon mismo kay PNP Chief, DG Ricardo Marquez, banta sa 2016 elections ‘yang mga PAGs na ‘yan.

Aba ‘e pagsabayin na ninyo, ang pagbawi sa mga politiko man o sa  pribadong  tao lalo ‘yung may mga MEDYA-MEDYANG dosenang bodyguard.

Unahin ‘yung mga nanghihiram ng tapang sa baril lalong-lalo na ‘yung mga utak-pulbura!

BI rank & file employees happy sa pamamalakad ni AC Gilbert Repizo

Marami talagang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) natuwa mula nang malaman nila na binigyan ng full authority on Border Control operations ni SOJ Alfredo Benjamin Caguioa si Comm-In-Charge Gilbert Repizo.

Kitang-kita ang pagpanig ng lahat sa butihing BI Associate Commissioner (AC) na kilala sa pagiging mababang loob at malapit ang puso sa mga manggagawa.

Talagang “heaven sent” daw ang pagdating ng bagong Secretary of Justice. Maraming naniniwala na magkakaroon ng malaking pagbabago sa Bureau at tuluyang mawawala ang oppressive policies.

Sabi nga ng ilang opisyal diyan sa BI main office, bakit hindi na lang daw daanin sa botohan kung sino ang tatayong commissioner sa kanilang ahensiya.

Pag nangyari raw ito siguradong landslide victory para kay AC Gilbert Repizo!

Kaya naman lubos ang pasasalamat nila kay SOJ Caguioa sa kautusan n’yang ito.

Mas lalo raw silang magiging masaya ngayon Kapaskuhan kung tuluyan nang si AC Repizo ang maging BI Commissioner.

Dapat sigurong pakinggan na ni SOJ Caguioa ang kahilingan ng mga boss ni PNoy sa bureau ‘di ba?

Reaction sa MPD District Director

SIR Jerry, nabasa ho namin ang issue ng demolition job sa aming district director Gen. Nana. May mga happy kung matutuloy ang sibakan sa malalapit sa kusina o sa Office of the DD. Hindi ho totoo na may kinalaman ang mga sinibak na opisyal sa demolition kay DD. Ano nman ho ang laban nila sa isang mataas na opisyal ng MPD? Mas marami kaming mga pulis na matutuwa kung sisibakin ang isang Kapitan d’yan sa HQ na puros delihensiya at tong lang ang lakad.

– Concerned  MPD  personnel.  Pls don’t publish my no.

+63916663 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *