Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, pambato ng Beauty and the Bestie

121415 jadine beauty bestie

00 SHOWBIZ ms mSINASABING ang tambalang James Reid at Nadine Lustre ang pambato at pantapat ng Star Cinema, Viva Films, at MerryGalo sa pelikula ninaVic Sotto at Ai Ai delas Alas. Kasama kasi nina Vic at Ai Ai ang isa rin sa malakas na tambalan, ang Alden Richards-Maine Mendoza  tandem o ang AlDub.

Pero kompiyansa ang Star Cinema maging ang bida nitong sina Vice Ganda at Coco Martin na malaki ang magiging laban ng pelikula nilangBeauty and the Bestie sa takilya.

Hindi lang kasi ang walang humpay na kasiyahan at tawanan para sa buong pamilya ang mapapanood  sa Metro Manila Film Festival entry na ito na idinirehe ni Wenn Deramas, kundi maging ang nakakikilig na moment ng JaDine na talaga namang klik na klik sa publiko.

Nakasentro ang pelikula kina Erika (Vice), isang baklang photographer at sa bestfriend nitong si Emman (Coco), isang special agent. Aalukin ni Emman si Erika ng isang sikretong misyon na magpanggap bilang nawawalang Miss Uzeklovakia sa Miss Uniworld 2015 pageant para mapigilan ang bansa nito na magsimula ng digmaang pandaigdig. Sa pagtanggap ni Erika sa misyong ito, magiging bahagi ang dalawa sa nakalolokang mundo ng beauty pageants sa kanilang action-packed adventure sa paghahanap sa nawawalang Miss Uzeklovakia.

Kasama ring makikigulo sa Beauty and the Bestie sina Marco Masa, Alonzo Muhlach, Badji Mortiz, Karla Estrada, Ryan Bang, MC Calaquian, at Lassy.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …