Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, enjoy katrabaho si Direk Wenn Deramas

121415 coco martin wenn deramas

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Coco Martin na ibang klaseng experience para sa kanya ang makatrabaho ang box office director na si Wenn V. Deramas. First time ito ni Coco with Direk Wenn para sa MMFF entry na Beauty And The Bestie na magssimulang mapanood sa Christmas day. Bukod kay Coco, ito’y pinagbibidahan din ni Vice Ganda with James Reid at Nadine Lustre.

“Ibang experience ito, first time kong makatrabaho si Direk Wenn at sobrang saya. Ganoon palang magtrabaho sa comedy, hindi naman parang naglaro, hindi dahil sa hindi ko sineseryoso, pero walang pressure.

“Iba rin pala kapag comedy, iyong pagkatapos ng shooting, umuuwi kang masaya,” saad ng aktor na bida rin sa top rating TV series na Ang Probinsiyano ng Kapamilya Network.

Ayon pa kay Coco, itinuturing niyang unang comedy film ang naturang pelikula dahil ang movie nila ni Toni Gonzaga na You’re My Boss ay isang romantic-comedy at hindi all out comedy na tulad ng mga pelikulang ginagawa ni Vice.

Nabanggit pa ni Coco ang paghanga niya kay Vice sa kanilang pelikulang ito.

“Honestly, napabilib ako kay Vice kasi may mga stunt kaming ginawa rito. Iyong after ko siyang gawin, naisip ko na bakit ko siya ginawa? Na kahit ako nagdalawang-isip.

“Kapag sinu-shoot iyong mga ganyang bagay, sumasabit kami sa helicopter, sa cable lines, kadalasan may double iyan o dinadaya. Pero sa sobrang excitement namin, hindi namin naisip na, ‘Hoy, baka mahirap iyan, baka delikado iyan, mamatay kami diyan.’

“Noong pagkauwi ko sa bahay, ‘Bakit namin ginawa iyon?’ Sa totoo lang, puwede naman kaming magpa-double, puwede namang dayain; siguro iyon ‘yung dedication.”

Ang Beauty and the Bestie ang isa sa pelikulang inaasahang papatok nang husto sa yearly event na ito. Ang inaasahang makakalaban nito sa top post bilang Numero Uno sa MMFF ay ang My Bebe Love nina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, Alden Richards, at Maine Medoza.

Magandang subaybayan bale ito, dahil animo laban din ito ng GMA-7 at ABS CBN. So, parang tapatan ulit ito ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

Tignan na lang natin kung ang magic ng AlDub o Alden at Yaya Dub ay eepekto kahit na sa silver screen at hindi hanggang telebisyon lang. Abangan!!!

ALAM MO NA! – Nonie V.  Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …