Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen Dizon, pinarangalan sa Indie Bravo Awards!

121415 allen dizon indie bravo

00 Alam mo na NoniePATULOY sa paghakot ng parangal ang multi-awarded actor na si Allen Dizon. Kamakailan ay muling kinilala ang Kapampangan actor sa Indie Bravo Awards ng Philippine Daily Inquirer sa kanyang mahusay na pagganap sa indie movie na Magkakabaung na pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana.

Nadagdagan na naman ang tropeo ni Allen at kung hindi ako nagkakamali ay ika-sampu na ito ng astig na talent ni Dennis Evangelista.

Anyway, katatapos lang gawin ni Allen ang dalawang pelikula mula BG Productions International ni Ms. Baby Go. Ito’y ang Sekyu ni Direk Joel Lamangan at Iaadya Mo Kami (Deliver Us) ni Direk Mel Chionglo.

Bukod dito, tampok din si Allen sa mga pelikulang Walang Katapusang EDSA ni Direk Alvin Yapan at ang Lando at Bugoy na entry sa Cinemalaya 2016 ni Direk Vic Acedillo Jr..

Kaya hindi kami magtataka kung hahakot na naman si Allen ng acting awards next year.

Incidentally, bukod kay Allen, tampok sa Sekyu sina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, Jaime Pebanco, Rez Cortez, Raquel Villavicencio, at marami pang iba. Sa Iadya Mo Kami, co stars naman ni Allen dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri.

Sa TV naman, bahagi si Allen ng powerful casts na Doble Kara ng ABS CBN na pinagbibidahan ni Julia Montes.

ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …