Wednesday , December 25 2024

William, mas stable ang career bilang news anchor

061715 William Thio

00 SHOWBIZ ms mMATAPOS tumanggap ng award bilang 2015 Most Promising New Personality sa Gawad Amerika Awards, na ginanap sa Celebrity Center, Hollywood, Los Angeles, California kamakailan, muling gagawaran ng pagkilala ang news anchor/host/actor na si William Thio. Ito ay ang Wahod Excellence Award-Institutional bilang Male Broadcaster para sa kanyang TV show na Spotlight na umeere sa UNTV 37 (Thursday, 4:30- 5:30 p.m.).

Ang award ay ukol sa pagiging konektado niya sa World Association Humanitarian of Doctors sa ilalim ng United Nations Department of Economic and Social Affairs na gaganapin sa New World Manila Bay Hotel Ballroom, Roxas Boulevard, Manila sa Disyembre 13.

Nakausap namin si William at excited itong humarap sa entertainment press.

Aniya, natutuwa siya sa mga pagkilalang ibinibigay sa kanya. ”I’m glad that somehow I am being recognized by my effort as a broadcaster.” Una siyang nabigyang pagkakataon para maging anchor-host sa Channel 4 at pagkaraan ay naging news field reporter sa Channel 9. Ngayon ay news anchor na siya ng GNN’s News Forcer sa Sky Cable Channel 213 (Monday-Saturday, 5:00-6:00 p.m.). Mayroon din siyang one hour talk show, ang Opinion Leaders sa GNN (Sat. 9:00-10:00 p.m.), at Spotlightsa UNTV 37 (Thurs, 4:30-5:30 p.m.).

Kung ating matatandaan, inilunsad si William bilang isa sa member ngStar Circle Batch 5 kasabay nina John Lloyd Cruz, Baron Geisler at iba pa at naging regular sa youth-oriented show na Gimmick.

Subalit hindi nagtagal ang acting career ni William. Aminado itong hindi  siya marunong kumanta at sumayaw kaya limitado lang ang kanyang talent. ”Limited lang ang talent ko as an artista. And I’m aware of that. I know my limitations.”

Tumigil si William sa pag-aartista para bigyang daan ang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng kursong Mass Communication sa Merlo College sa California at saka muling nagbalik-‘Pinas. Doon na siya nagkaroon ng career bilang news field reporter.

Hindi naman pinagsisisihan ni William na naiba ang career path niya dahil buong pagmamalaki niyang sinabi na mas stable ang kalayagan niya ngayon.

Bukod sa pagiging news anchor, mayroon pa siyang construction business at chairman emeritus ng Red Cross, Philippines.

Dinig pa namin, posibleng mapanood na si William bilang news anchor sa isa sa malalaking TV network. Kung saang network iyon (ABS-CBN o GMA), ‘yun ang ating aabangan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *