Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Never akong iniwan ni Bossing Vic, kahit nasa kabila ako — Ai Ai

121315 my bebe love

00 SHOWBIZ ms mHINDI napigil ni Ai Ai delas Alas na ‘di maluha sa pagtatanggol sa kanya ni Vic Sotto sa presscon ng My Bebe Love: Kilig Pa More, isa sa 2015 Metro Manila Film Festival na tinatampukan din nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Paano’y hindi itinanggi ni Bossing Vic na napakalaki ng tiwala niya sa Comedy Queen para kunin itong leading lady kahit sinasabing bumagsak na at tila nawala na ang ningning.

Ani Vic, ”Kahit anong mangyari, hindi ko iiwanan ‘to (sabay turo kay Ai Ai).

“Eh sabit nang sabit, eh. Kabit ng kabit, eh,” biro ng aktor. ”Alam n’yo naman, si Ai-ai, ito lang ang kaisa-isa kong ka-loveteam sa pelikula.”

Ipinaliwanag pa ni Vic na mayroon silang special bond ni Ai Ai. “Matagal na, eh. Matagal na matagal na ‘yan, eh. So, kahit hindi kami nagkakausap, sa minsan-minsang text, eh nandoon ‘yung pagtitinginan namin, eh. Kaya naman muling dumating ‘yung panahon na puwede kaming magkasama ulit, eh hindi na namin pinalusot ang pagkakataong ito.”

“Grabe siya, may sarili akong eksena rito,” naiiyak na tugon naman ni Ai Ai.”Hindi, totoo. Never akong iniwan ni Bossing kahit noon, noon pa, nandoon pa ako sa kabila. Kahit sa text, never niya akong iniwan, hindi niya ako inabandona.

“Roon ko napatunayan na gusto niyang mag-sex kami talaga,” pagbibirong tsika pa ni ni Ai Ai.

Taong 2011 unang nagsama sina Vic at Ai Ai, ito ay sa Enteng ng Ina Mo na naging no.1 sa takilya.

Ngayon kaya ay confident pa rin si Bossing Vic na mauulit ang pagiging no. 1 nila sa takilya ngayong kasama na nila ang AlDub? ”Confident ako na magugustuhan ng mga tao. Confident ako na we have a good film, we have good actors and actresses, we have a good director, we have a good support, we have a good technical crew, ‘yung aming cinematographer, so the feeling is very good,” giit ni Bossing Vic.

Ang  May Bebe Love ay handog ng OctoArts Films, M-Zet Television Productions Inc., APT Entertainment, GMA Films, at Media Production, at idinirehe ni Jose Javier Reyes.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …