Friday , May 16 2025

Marlo, malungkot na masaya sa pagbuwag ng loveteam nila ni Janella

121315 janella marlo Jerome SR&R

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Marlo Mortel na mami-mis niya ang pagiging makulit niJanella Salvador kapag sinimulan na ng dalaga ang taping ng bagong teleserye na pagsasamahan nila ng bago niyang kaparehang si Elmo Magalona.

Malungkot man ay inihanda na rin ni Marlo ang sarili sa planong pagbuwag ng kanilang loveteam ni Janella. Sinabihan naman daw kasi siya sa mangyayaring pagbuwag sa kanilang loveteam. ”Ako, inihanda ko na ang sarili ko simula pa lang noong nag-enter ako sa showbiz. May mga ganyang times na kung ano ang gusto mo, hindi ‘yun ang mangyayari. Management’s decision na i-partner silang dalawa so, wala naman akong magagawa roon!,” paliwanag ni Marlo sa presscon ng Regal’s MMFF entry na Haunted Mansion.

Masaya naman si Marlo sa development ng career ni Janella na nagsabing, ”Mami-miss ko ‘yung friendship namin. F­eeling ko naman ‘di mawawala ‘yon. At saka hindi naman siguro ito ang last team up namin. Malay mo in the nearest future eh, mag-partner uli kaming dalawa!”

Samantala, malaki naman ang tiwala ni Mother Lily Monteverde na maganda ang magiging laban ng Haunted Mansion sa December 25.”Marami ang nagtatanong, bakit hindi Shake, Rattle and Roll ang entry ni Mother? It’s because I believe so much ni Haunted Mansion. I believe so much in my newest babies—Janella, Marlo and Jerome (Ponce).”

Kami man ay naniniwalang maganda ang magiging laban ng Haunted Mansion sa 2015 MMFF dahil ito ang bukod tanging horror film. At sabi nga ng nakararami, basta horror, number one riyan ang Regal. ‘Yun na!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

Sue Ramirez Dominic Roque

Sue napogian kay Dom kaya hinalikan-nagji-jell din ang interests namin

MASAYA at kalma ang aura ni Sue Ramirez ngayon. “Wow, thank you po. Actually masaya po talaga,” bulalas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *