Sino ba ang nagnanakaw sa kaban?
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.
December 11, 2015
Opinion
MAYROON akong kasama sa press office na ipinangangalandakan na ang kanya raw ibobo-to sa darating na eleksiyon ay ‘yung kandidato na mayaman para hindi na raw tayo nakawan. Ang lohika niya ay simple at mapang-akit sa biglang dinig. Para sa kanya, kung likas na mayaman ang lider ay hindi na niya pag-iinteresan ang kaban ng bayan.
Nalungkot ako sa sinabing ito ng aking kasama. May palagay ako na hindi niya gagap ang buod ng sistema na umiiral kaugnay ng ating politika mula noon hanggang ngayon. Bakit ‘ika ninyo? Kasi kailan ba hindi mayaman ang naupo sa poder? Mayroon baang mahirap na naging li-der ang ating bayan?
Maliban kay Andres Bonifacio, na bagamat totoong mahirap ay kabilang pa rin sa tinatawag na uring ilustrado, sino ba sa naging pangulo ng bansa o mayor ng malalaking lungsod ang masasabing mahirap nang maupo sa poder? Wala ni isa man. Maaaring mahirap na pamilya ang kanilang pinagmulan pero sa panahon ng kanilang pagtakbo sa halalan ay tiyak na mayaman na sila.
Ang mga may pera lamang ang may kakayahan na gumasta para mahalal sa poder. Mana-nalo ba ang isang kandidato sa halalan kung walang panggastos, lalo na sa panahon na ito? Paano nila babayaran ang mga watchers sa polling stations, ang ads sa radyo at telebisyon, ang mga paskil sa daan, bandera, lobo, t-shirt at kung ano-ano pa? Kahit ang pinakamatipid na kandidato ay kailangan pa rin gumasta nang libo-libo kundi man milyon-milyon piso.
Kaya simula’t sapol ay walang mahirap na humawak ng renda. Ang sistema ay nakadi-senyo para may pera lamang ang makasali sa halalan. Kaya mali na sabihin na dapat mayaman ang iboto para hindi na tayo manakawan pa. Lahat ng nagnakaw sa poder na halal ng bayan ay mayaman. Ito rin ang dahilan kaya ang demokrasya natin ay malinaw na para sa mayaman lamang.
Kung ayaw natin manakawan ng mga kawatan na politiko ay dapat magbantay tayo sa kanilang mga iginagalaw. Hindi tayo dapat umasa lamang sa kanilang pasya o awa. Dapat ay maki-lahok din tayo sa pagpapatakbo ng pamahalaan bilang mga responsableng mamamayan. Hindi natatapos sa eleksiyon ang ating tungkulin. Ang pakikialam sa pagpapatakbo ng pamahalaan ay habang buhay natin na obligasyon.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.