Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan, dark horse sa Finals ng Your Face, Sounds Familiar

120915 michael pangilinan

00 Alam mo na NonieISA si Michael Pangilinan sa finalists sa Your Face Sounds Familiar Season 2 ng ABS CBN. Matapos ang 13 weeks, instead na apat ay lima ang pumasok sa finals dahil nagtabla sina Denise Laurel at Michael Pangilinan. Ang tatlo pang bumubuo sa finalists ay sina Sam Concepcion, Kean Cipriano, at KZ Tandingan.

Nang na-tally ang points, lumabas dito na nangunguna si Kean with 245 points, segunda naman si KZ with 242 points, samantalang nasa third spot naman si Sam na nakakuha ng 239 points. Sina Denise at Michael ay kapwa nakakuha ng 216 points.

Sa December 12 at 13 na gaganapin ang Finals ng Your Face Sounds Familiar season 2 na magkakaroong ng live airing mula sa Resorts World Manila.

Naniniwala ako sa sinabi ni katotong Jobert Sucaldito, manager ni Michael na ang kanyang alaga ang dark horse dito sa YFSF. Bukod kasi sa magaling ang boses ni Kel, napaka-humble at simple lang siya. Deserve niyang manalo rito sa YFSF.

Anyway, sa mga gustong bumoto kay Michael para sa YFSF, pls. text YFSF MICHAEL and send to 2366. One vote per sim, per day lang ang puwede. Total of 2 votes only ‘till Sunday per SIM. Voting starts on Sat. (Dec. 12) after magperform ng lahat ng grand finalists at ang susunod na botohan ay magaganap sa Sun. (Dec. 13), before lunch.

Goodluck sa iyo Michael and Jobert!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …