Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jana Agoncillo, wagi sa Star Awards for TV!

072715 Jana Agoncillo Ningning ft

00 Alam mo na NonieNAKAKATUWA naman pala talaga itong child star na si Jana Agoncillo. Ayon kasi sa mother niyang si Mommy Peachy Agoncillo, nang nanalo ito ng award recently sa 29th Star Awards for TV ng PMPC, hindi raw alam ni Jana kung ano talaga ang nangyayari.

Nang i-congratulate raw kasi si Jana ng Mommy niya, ang sagot daw ng talented na bida sa TV series na Ningning ay, “Ano po yun mommy?”

After maipaliwag daw kay Jana ang ukol sa nakuhang award, masayang sinabi niyang, “Ganoon po ba Mommy. Salamat at nagustuhan nila ako, nakakatuwa po at nagustuhan nila ako at nanalo ako ng award.”

Ang six year old na si Jana ang nagwaging Best New Female TV Personality sa katatapos lang na Star Awards. Nang ipatanong ko kay Mommy Peachy kung alam ba niyang kabilang sa naungusan niya rito ay ang sikat na sikat na si Yaya Dub o Maine Mendoza ng Eat Bulaga, simple lang ang sagot ng bata.

“To be honest po, hindi niya naiintindiham pa masyado. Basta sabi nya, ‘Salamat at nagustuhan nila ako, siguro time ko lang ngayon na manalo sa contest.” Iyon po ang sinabi niya,” esplika pa sa amin ni Mommy Peachy.

Actually, dalawang nomination ang nakuha ni Jana rito. Bukod sa napanalunan niyang Best New Female TV Personality, nominated din siya sa Best Child Performer na eventually ay nakuha ni Marco Masa, ang bidang bata sa Nathaniel.

Ano naman ang reaction ni Jana sa magandang ratings ng TV series nila? “Masaya po ako… basta po lalo ko lang pagbubutihan lagi. Nagpapasalamat po ako sa lahat dahil nakakapagpasaya ang Ningning show namin sa manonood.”

Incidentally, hindi sa Ningning nominado rito si Jana kundi sa Dream Dad na pinagbidahan nila ni Zanjo Marudo. Kabilang sa naging nominees sa Best New Female TV Personality sina: Ali Forbes (Pinay Beauty Queen Academy/ GMA News TV), Jana Agoncillo (Dream Dad/ABS-CBN 2), Loisa Andalio (Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?/ABS-CBN 2), Maine Mendoza (Eat Bulaga/ GMA-7), Mariz Racal (Lobo Maalaala Mo Kaya/ABS-CBN 2), MJ Lastimosa (Takure Maalaala Mo Kaya / ABS-CBN 2), at Stephanie Yamut (Yagit /GMA-7).

Anyway, agree ako sa ipinahayag ng Ningning direktor na si Direk Jeffrey Jeturian na puwedeng-puwedeng maging next child star sensation si Jana.

Ayon kay Direk Jeffrey, “Jana is a director’s dream actor. On top of her talent and good attitude, the kid oozes with charm and charisma.” Idinagdag pa niyang natural daw ang pagiging aktres ni Jana at wala itong tantrums. Plus, kapag dumarating sa set ay memoryado na nito ang kanyang mga linya. Madali rin daw bigyan ng instructions si Jana at alam agad pati blocking niya.

Kaya kumbinsido ako na hindi lang pagiging maganda at cute ang bentahe ni Jana, kundi ang kanya ring pagiging talented na bata.

Ang Ningning ay nanapanood sa tanghali, bago ang It’s Showtime. Tinatampukan din ito nina Ria Atayde, Sylvia Sanchez, Ketchup Eusebio, Vandolph Quizon, Nyoy Volante, Rommel Padilla,Pooh, John Steven de Guzman, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …