Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clarky Boy at wifey na si Leah nagbakasyon sa Vigan

121115 jadine
Bakasyon mode ngayon sa On The Wings of Love, ang soon to be wife and husband na sina Clarky Boy (James Reid) at Lea (Nadine Lustre). Kasama ng dalawa sa bakasyon nilang ito sa Vigan, Ilocos Sur ang pinsan ni Clark na si Harry (Bailey May) at staff sa business na sina Kiko at Axi na mahilig magpatawa.

Bukod sa kanilang pagpunta sa beach ipinasyal ni Leah si Clark sa downtown ng Vigan at bumista rin sila sa simbahan. Samantala, ito namang si Harry ay napadpad sa Plaza ng Vigan at nasilayan ang magandang dalagita na si Audrey (Ylona Garcia) na second cousin pala ni Leah.

Dahil napahanga, sinulyapan ng tingin at kinunan pa ng picture ni Harry si Audrey. Pero kinompronta siya nito at sinita sa pagkuha niya ng larawan at sinabihang huwag na niyang susundan pa sabay tawag na “baliw” sa gwapo at tisoy na binatilyo.

May kasunod pa kaya ang pagkikitang ‘yun ng dalawa at may umusbong na kayang pag-ibig sa kanila? Ito namang sina Clark at Leah, hindi pa man ikinakasal ay nagpaplano na sa kanilang future at sa kanilang magiging anak.

May kilig na dating sa viewers ng OTWOL ang sinabi ni Clarky Boy kay Leah na “I’ll take care of you, I’ll take care of your family.”

True love talaga ang tumama sa puso ng Half-Pinoy Australian.

Mapapanood ang On The Wings of Love Mondays to Fridays sa ABS-CBN Primetime Bida right after Pangako Sa ‘Yo.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …