Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bume-Bea Alonzo ang acting sa “Pangako Sa ‘Yo” Direk Olive Lamasan napahanga at pinuri si Kathryn Bernardo

121115 kathniel PSY
UNANG ipinamalas ni Kathryn Bernardo, ang kanyang galing sa pag-arte sa ‘Mara Clara’ na pinagsamahan nila noong 2010 ni Julia Montes.

Sa bawat project na gawin ni Kathryn sa Star Creatives at ABS-CBN kasama ang love team na si Daniel Padilla ay kitang-kita ang improvement ng aktres na talaga namang pahusay nang pahusay.

Dito sa remake top-rating teleserye nila ni Daniel na ‘Pangako Sa ‘Yo’ at sa kanilang episode noong December 8, hindi lang ang televiewers at ang kanyang critics ang pinahanga ni Kathryn sa kanyang acting capability, maging ang head director ng PSY na si Inang Olive Lamasan ay lubos niyang pinahanga at pinuri ng de-kalibreng Kapamilya director ang ipinamalas na acting ng aktres na nag-level-up nang husto ang kanyang acting at bume-Bea Alonzo sa kanyang dream sequence, kung saan napanagipinan nito na nagkita sila ng dating nobyo.

Sa tagpong ito, mata pa lang ni Kathryn, ay umaarte na, lalo na’t nangingilid ang luha at ramdam ‘yung labis niyang pagkasabik kay Angelo. Lalo na noong sabihin niya ang mga salitang mula sa kanyang puso na “I missed you, I missed you so much with hurts,” sabay yakap nang mahigpit sa lalaking minamahal.

Kahit na hindi na kami bagets, pumasok nang buong-buo sa kaloob-looban namin ang eksena ng dalawang pusong nagmamahalan na pinaghiwalay man ng panahon ay nandoon pa rin ‘yung pagtingin sa isa’t isa.

Kahit na tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang ipinakikita ni Angelo na trabaho lang ‘yung sa kanila ngayon ni Yna ay hindi maitatago ng binata na mahal na mahal pa rin niya ang dating nobya.

Samantala sa nasabing episode, ipinakitang nakalaya na si Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) at agad na tinawagan ni David (Diego Loyzaga) ang kanyang Mommy si Amor, para ipaalam ang magandang balita. Sinabihan si Amor ng anak na makipagkita na kay Eduardo na dati niyang boss noong governor pa ito. Sabi naman ni Amor, masaya siya sa paglaya ni Eduardo, maliit lang ang mundo

Kaya tiyak na magkikita sila.

Abangan ang muling pagkikita ng dalawa at part 2 ng love story nina Yna at Angelo sa Pangako Sa ‘Yo na mapapanood pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Very exciting gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …