“I’m just enjoying the ride,” ani Ian ukol sa magandang pagtanggap ng manonood sa kanilang loveteam ni Jodi. Ang tambalan din nila ang may pinakamalaking mainstream following dahil sa mga papel nila bilang star-crossed lovers na sina Amor de Jesus-Powers at Eduardo Buenavista.
Marami ang sumusubaybay sa kanilang loveteam na nagsimula saPangako Sa ‘Yo. Marami ang kinikilig sa kanila na kahit si Jodi ay natatawa dahil noong una pala silang nagkasama sa show ay anak siya ni Ian.
Kaya nga raw noong nagsama sila sa PSY, naglolokohan sila na rati’y anak siya ni Ian at ngayon ay ka-loveteam na.
Kasama rin sina Ian at Jodi sa All You Need Is Pag-Ibig na tinatampukan din nina Kris Aquino, Julia at Talia Concio, Bimby Aquino Yap, Ronaldo Valdez, Nova Villa, Pokwang, at Derek Ramsay.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio