NAGKAROON ng special screening ang And I Love You So noong Linggo ng gabi sa Dolphy Theater. Naroon ang halos lahat ng cast at kapansin-pansin pa rin ang pagho-holding hands ng dalawang bida rito na sinaJulia Barretto at Miles Ocampo.
Ipinanood sa amin ang one week episode at sa totoo lang, napakaganda ng istorya at para kang nanonood ng pelikula.
Kapansin-pansin na malaki na ang ipinagbago sa akting ni Julia kung ikukompara sa launching teleserye niyang Mira Bella.
Mas lalo rin siyang gumanda at wala akong nakikitang pangit na anggulo ni Julia. Kahit na sa eksenang nagkakapisikalan na sila ni Miles ay maganda pa rin siyang tingnan.
Na-surprised naman si Inigo Pascual (na may magandang role rin) dahil ang akala niya, hindi makararating ang kanyang amang si Piolo Pascual dahil may commitment ito. Kaya laking gulat na lang niya nang biglang bumulaga sa Dolphy Theater si Piolo.
Ang ganda ng role rito nina Dimples Romana at Angel Aquino.
May mga eksena si Angel na kinunan sa Sao Paulo, Brazil. Nakulong si Angel sa Brazil dahil sa droga.
Napaka-brilliant ng writers ng teleserye.
Napagsama-sama nila ang mga mahahalaga at napapanahong social issues.
May issue tungkol sa drug trafficking na kinasangkutan ni Angel kaya siya nakulong sa Brazil.
Pasok din ang pagkahilig natin sa panonood ng volleyball dahil varsity players sina Miles at Julia at nagkataon na Trixie Valdez pa ang name ni Julia na mukhang ikinonek sa sikat na volleyball star na si Alyssa Valdez.
Since uso ngayon ang Youtube, may istorya rin sila tungkol dito. Si Inigo ay nag-post ng kanyang original song sa Youtube at naging sensation iyon. Nag-concert siya sa school nina Julia at Miles at dahil kay Inigo, tumindi ang rivalry ng dalawa.
In a week’s time, malalaman ng publiko na magkapatid pala ang dalawa.
Bongga ang university na pinagte-tapingan lalo na sa mga schoolVat volleyball scene nina Julia at Miles. Kinukunan ito saLyceum of the Philippines. Sosyal ang university dahil isa itong resort-type.
Paglabas namin ng Dolphy, nakasabay namin si Annabelle Rama na nanood din pala. Tinanong ko kung ano ang reaksiyon niya. “Ay Dong,maganda, para akong nanood ng sine.”
Samantala, may napansin lang ako Manay Maricris, sa ABS-CBN national anthem ay naroon pa rin si Ai Ai delas Alas. Hindi siya tinanggal, hindi siya in-edit kahit wala na ito sa Kapamilya Network.
MAKATAS – Timmy Basil