KUNG susuriin at pagbabasehan ang sinabi ni Kim Chiu, na ”all I need is Xian,” tila puwede mong sabihing nagkakamabutihan na nga sila ni Xian Lim. Pero, agad nilinaw ng aktres na isa sa bida ng All You Need Is Pag-Ibig, Star Cinema’s entry to 2015 Metro Manila Film Festival, na ikinakabit lamang niya iyon sa title ng kanilang pelikula.
Tila naglalambing si Kim sa kanyang leading man at sinabing masaya sila sa isa’t isa. ”Masaya po siya sa akin at nasisiyahan din naman po ako sa kanya,” tugon pa ni Kim.
Kahit ano namang piga ang gawin ng entertainment press ukol sa kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, wala pa ring malinaw na sago tang dalawa. Ang sabi lamang ni Xian, hindi nagbabago ang pagtingin niya sa dalaga. Bagkus lalo pa itong nadaragdagan. Kumbaga, yumayabong ang pagmamahal niya kay Kim.
Ang All You Need Is Pag-ibig ay isang heartwarming at romantic na pelikula para sa buong pamilya at ito ay isinulat at idinirehe ni Antoinette Jadaone, kasama si Yoshe Dimen bilang co-writer. Mapapanood ito sa Disyembre 25.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
