Thursday , December 26 2024

Ala Eh Festival, star studded!

121015 Ala Eh Festival taal Batangas

00 SHOWBIZ ms mISA kami sa naimbitahan ni Gov. Vilma Santos-Recto sa huling gabi ng pagdiriwang ng Ala Eh Festival sa Sto. Tomas, Batangas. Walong taon nang ipinagdiriwang ang Ala Eh Festival sa pamumuno ni Gov. Recto. Kasabay ng pagdiriwang ang finals night ng Voices, Songs & Rhythmsna limang taon na ring ginagawa.

Si Gov. Recto ang may idea ng festival gayundin ng patimpalak awitan na dinadaluhan ng maraming artista. Ngayong taon, nagsilbing host sinaVhong Navarro at  Billy Crawford kasama si Alex Gonzaga. Mga hurado naman sina Christian Bautista, mag-asawang Dingdong Avanzado atJessa Zaragoza, at si Vehnee Saturno ang chairman of judges.

Umaasa si Ate Vi, na kahit matapos na ang termino niya bilang gobernador ng Batangas ay patuloy pa ring susuportahan ng mga Batagueno ang Ala Eh Festival. Matagumpay na naipakita ng pitong contestant mula Junior Champion Grand Finalists at pitong Senior champions ang kanilang talento.

Ang Junior Division ay kinabibilangan nina Lucas Nikko Garcia, Pauline Agapitan, Keon Patrick Driz, Marion Joyce Elefante, Hera Helen Macalalad, Monica Andrea Rosales, at Victor Jake Villanueva. Sa Senior Division naman ay sina Audrey Malaiba, Joel Alcaraz, Roel Riel, Melvin Rimas, Venus Pelobello, Jenimay Mabini, at Ma. Michelle Adajar.

Bago ang finals night ng VSR, nagkaroon muna ng presscon na ginawa saNDN Hotel at doon nasabi ni Ate Vi na may six shooting days pa sila sa ginagawa nilang pelikula ni Angel Locsin under Star Cinema. Natigil ang shooting daw abala siya at natapat  sa Holiday season gayundin ang pagpapa-opera ni Angel sa kanyang sakit sa likod sa Singapore.

Ani Ate Vi, kapag nagsu-shooting sila ni Angel noon ay paika-ika ito dahil sa sakit na nararamdaman sa likuran. Naaawa nga raw siya rito.

Sa kabilang banda, muli namang sinabi ni Ate Vi na nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya lalo iyong mga nagnanais sana siyang kunin bilang pangalawang pangulo sa 2016.

“Maraming salamat sa mga nagtitiwala sa akin, kaya lang, si Sen. Ralph, nasa national government na at kung tatakbo akong VP, buong bansa na rin ‘yun. Eh, hindi ko makakaya kasi first priority ko pa rin ang family ko,”ani Ate Vi na kahit abala ay siya pa rin ang nagma-manage sa bahay nila. Kaya sobrang pahirap na sa kanya kung tatakbo pa siyang vice president dahil lalong mawawalan ng tao sa bahay nila.

SHOWBI KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *