Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mandirigma ni Direk Arly dela Cruz, pasok sa MMFF New Wave category

120915 Arly dela Cruz MMFF

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Direk Arlyn dela Cruz ang kanyang kagalakan sa ibinigay sa kanyang pagkakataon na muling maging bahagi ng Metro Manila Film Festival New Wave category para sa taong ito.

Ito’y mula sa Blank Page Production a at palabas na sa Dec. 17-24. Tampok dito sina Luis Alandy, Ping Medina, Mon Confiado, Alwyn Uytingco, Victor Basa, Ina Feleo, at iba pa.

“Natuwa ako na nakapasok ulit kami sa MMFF New Wave category. Last year ay nakapasok din yung movie ko na Maratabat. Sana next time sa mainstream naman ng MMFF, sana may budget,” nakatawang saad ni Direk Arlyn.

“Hindi ba kapag nangangarap ka, tumataas naman ang pangarap mo? So, dream ko na mai-direk sina John Lloyd Cruz bilang si Heneral Marcelo H. del Pilar na ang working title ay Siling Labuyo. Isa sa pen name niya iyon e, kumbaga, inspired ito ng nangyari sa movie na Heneral Luna.

“Tapos, si Piolo Pascual din sana ay maidirek ko, pero pangarap lang ha?” Diin pa ni Direk Arlyn. “Kasi, baka hindi siya papayag, e. Pero, sa palagay ko it’s a dream role for anyone, lalo na kapag nakita ninyo ‘yung mag-nanay. Kasi, it’s a true story, isa siyang HIV patient at bulag na siya.

“Ang title ng movie, Pusit na terminolohiya sa may ganitong karamdaman, na ibig sabihin ay positive sa HIV. May listener kasi ako sa radio program ko sa Radio Inquirer, nagpunta siya sa amin at inilapit ang kanyang istorya. So, doon nagsimula ang research namin at nalaman namin na talagang pataas nang pataas ang nagkakaroon ng HIV-AIDS dito sa atin. Pero, pangarap lang iyon. Nangangarap lang po ako,” nakangiting dagdag pa niya.

Bakit niya naisipang gawin ang Mandirigma?

“Ginawa namin itong movie na Mandirigma, para ipakita ang talagang sitwasyon doon. Pero ang mandirigma, hindi ibig sabihin ay sa Marines lang, both sides e. May pinaghuhugutan sila pareho. Kumbaga, hindi sinasabi rito na hindi mahalaga ang ideology at ang ano sa bayan, pero ang reality, naglalaban sila para mabuhay na lang, para sa survival.

“Kung mapapansin ninyo, balanse lang dahil usapan namin ito ng Philippine Marines, ang sabi nila’y huwag palalain ang away, na kung ipo-portray ang mga nasa kabila, ipakita natin kung saan din sila nagmumula. Walang idinikta ang Marines sa takbo ng script, pero ang sinabi lang nila, maka-contribute para mas maintindihan ang problema sa Mindanao.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …