Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela Padilla, kakaibang galing ang ipinakita sa Tomodachi

120715 Pancho Magno Jacky Woo Bela Padilla

00 Alam mo na NonieMULING nagpakita ng husay si Bela Padilla sa pag-arte sa latest indie movie niya titled Tomodachi. Ito’y mula sa Global Japan Incorporated at Forward Entertainment at tinatampukan din ni Jacky Woo bilang Japanese officer na kasintahan ni Bela.

Bukod kina Jacky at Bela, very effective rin sina Eddie Garcia at Pancho Magno sa pelikulang ito na pinamahalaan ng award winning direktor na si Joel Lamangan.

Nakahuntahan namin si Bela sa press preview ng naturang pelikula at pinasalamatan niya ang Japanese actor-producer at si Direk Joel sa maayos na pagtatrabaho at pag-guide sa kanya sa indie movie na ito.

“Talagang na-guide ako ni Direk Joel dito. Nagpapasalamat din ako na naging maayos ang trabaho namin. Kahit kay Jacky, walang language barrier.

“Plus si Jacky, very professional ‘e at wala siyang ere, dahil hindi ba ang dami na rin niyang nagawang movies sa iba’t ibang bansa? Pero wala siyang ere at all, lagi siyang on time, hindi siya nagpapahintay. And ganoon din kasi ako e, parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Kaya okay ang trabaho namin,” saad ni Bela.

Dagdag ng aktres, “It’s a nice take, kasi kapag Japanese era noong panahon ng giyera, lagi kasing ang alam natin ay ‘yung horror stories ng giyera, madugo ang mga eksena, salbahe ang mga Hapon. Pero hindi natin dapat lahatin, dahil dito ay makikita natin ang isang Japanese na na-in love sa Filipina, nagkaroon ng best friend, ganoon.”

Bukod sa Filipinas, ang pelikulang Tomodachi ay ipalalabas din sa Japan.Ito’y tinatampukan din nina Eddie Garcia, Pancho Magno, Hiro Peralta,Jim Pebanco, Tony Mabesa, Lui Manansala, Elora Espano, Sue Prado, at ang Japanese actor na si Shin Nakamura.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …