Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsusuplada at pagmamaldita ni Maine, ipinakikita na

120115 maine mendoza yaya dub
MAY dumagdag na naman sa humahabang listahan ng mga patalastas nina Alden Richards at Maine Mendoza na napapanood sa TV: isang sikat na brand na pantimpla sa maraming lutuin.

At mukhang bago matapos ang taong 2015 ay marami pang TVCs ang ating matutunghayan, patunay lang na sa hanay ng mga tambalan sa TV ay sako-sakong alikabok ang ipinakain ng AlDub sa mga ito lalo na ang tatlong bumabanderang loveteam mula sa ABS-CBN.

Pero sabi, in every success ay mayroong katapat na downside.

Sa panig ni Alden, mukhang wala kaming makita ni katiting na negatibo sa aspeto ng kanyang lalong sumisiglang career. In fact, nasungkit pa nga niya kamakailan ang Best Actor trophy sa nakaraang PMPC Star Awards for TV.

This, however, cannot be said of Maine. Habang patuloy din siyang namamayagpag, sunod-sunod naman ang mga naglalabasang bad publicity tungkol sa kanya, all bordering on sa kanyang umano’y pagsusuplada o pagmamaldita na mismong mga reporter ang nagpapatotoo.

Some immediate damage control should be done para masawata ang mga ganitong ‘di kaaya-ayang kuwento tungkol kay Maine, salungat naman sa mabangong imahe ni Alden.

Pansin lang namin, not only should TAPE, Inc. (ang producer ng Eat Bulaga) take full responsibility para ‘ika nga’y i-deodorize ang bahong sumisingaw sa likod ng nakaaaliw at nakakikilig na karakter ni Maine bilang si Yaya Dub.

All this time kasi, TAPE, Inc. has not seemed press-friendly bilang pasasalamat man lang sa naitutulong ng mga ito mula nang sumikat ang AlDub to this day.

Eh, kung tutuusin, sa rami ng mga libreng artikulo tungkol sa AlDub, when compiled ay puwede ka nang magtayo ng isang malaking silid-aklatan!

 
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …