Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-lover ng GF, binoga ng businessman (Nahuling magkasiping)

PATAY noon din ang isang call center agent makaraang barilin ng lalaking kasalukuyang live-in partner ng dating ka-sintahan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Cri-minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Davy Lan Joseph Aguelo, 44, call center agent, residente ng 5/2 LTJ Francisco St., Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.

Habang mabilis na tumakas ang suspek na si Paul Ryan Andre Aquino, 33, may asawa, negos-yante at residente ng 154 L. Nadurata St., 10th Ave., Grace Park, Caloocan City.

Sa imbestigasyon, dakong 3 a.m., nadatnan ni Aquino si Aguelo na na-tutulog sa kuwarto katabi ang kanyang live-in partner na dating kinakasama ng biktima, sa inuupahan nilang bahay sa Block 4, Lot 23, Mt. Apo St.,  Cresta Verde, Brgy. Sta. Monica, Quezon City.

Bunsod nito, bumunot ng baril si Aquino at pinagbabaril si Aguelo habang ang babae ay kanyang pinalo ng baril sa mukha.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng itim na Mitsu-bishi Montero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …