ANG huli naming balita tungkol sa komedyanteng si Ate Gay ay nasa Norway daw ito para magtanghal.
For sure, dahil nasa Europa ang bansang ‘yon ay euro ang naiuwi ni Ate Gay bilang katas ng kanyang pagpapatawa sa Filipino community doon.
At dahil mataas ang palitan ng euro, siguro naman ay na-settle na niya ang kanyang pagkakautang na P60,000 mula sa isang dating sexy star na naurutan niya agad during their first meeting!
Ang OPM (Oh, Promise Me) pa naman ni Ate Gay ay mababayaran niya ang halagang ‘yon sa loob ng isang buwan. Bayad na nga kaya ‘yon, gayong last September pa dapat fully settled ang utang na ‘yon, anong petsa na?!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III