Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titulo sa UAAP target ni Pumaren sa Adamson

120715 franz pumaren adamson
NANGAKO ang bagong head coach ng Adamson University na si Franz Pumaren na ibibigay niya ang titulo ng UAAP men’s basketball sa Falcons sa Season 79 ng liga sa susunod na taon.

Opisyal na hinirang ng pamantasan si Pumaren para hawakan ang Falcons simula sa Enero at ito’y magsisilbing pagbabalik niya sa pagiging coach ng UAAP pagkatapos ng kanyang paggabay sa De La Salle University sa titulo ng liga mula 1998 hanggang 2001 at muli noong 2007.

Huling nag-coach si Pumaren sa PBA para sa Air21 mula 2011 hanggang 2014 bago nakuha ng NLEX ang prangkisa ng Express at si Boyet Fernandez ang pumalit sa kanya.

“It’s going to be a long haul and our direction is to rebuild the program,” wika ni Pumaren sa press conference kahapon sa kampus ng Adamson sa San Marcelino, Maynila. “We in the coaching staff will make sure that Adamson will get the respect from the other schools and the UAAP fans. We will make sure that each year will be competitive for Adamson and we’re here to give Adamson a championship.”

Sa ngayon ay konsehal si Pumaren sa Quezon City at ang kanyang dalawang kapatid na sina Derick at Dindo ay head at assistant coach ng University of the East Warriors.

Hindi pa nakapasok ang Adamson sa Final Four ng UAAP mula pa noong 2011 sa ilalim ng ngayo’y head coach ng San Miguel Beer sa PBA na si Leo Austria at ang nag-iisang titulo ng Falcons sa liga ay noon pang 1977.

Ang dating interim coach ng Adamson na si Mike Fermin ay mananatili bilang assistant ni Pumaren sa Falcons at ang iba pang mga assistant coaches ay sina Don Allado, Renren Ritualo, Jack Santiago at Tonichi Yturri.

Sina Santiago at Yturri ay bahagi ng coaching staff ni Pumaren noon sa Air21.

“The appointment of coach Franz comes with the full support of our alumni and sponsors,” ani pangulo ng Adamson na si Fr. Gregorio Banaga, Jr., CM. “We do not waver in our hope that our basketball team will soar again with coach Franz. We are putting our full trust in him.”

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …