Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, muling kinilala ang galing sa Star Awards for TV!

113015 sunshine cruz

00 Alam mo na NonieNANALO na namanng Best Actress ang maganda at seksing si Sunshine Cruz sa katatapos na Star Awards for TV ng PMPC. Last year ay na-nalo ulit si Shine, actually, this year ay tie sila ni Juday sa kategoryang Best Single Performance By An Actress. Si Shine ay nanalo para sa Barko episode ng MMK.

Sinabi ni Shine na sobra ang kaligayahan niya sa natamong karangalan. “Overwhelming po! So happy also sa aking kapatid kay Tito Alfie (Lorenzo) na si Juday. Salamat sa PMPC, sa MMK at sa ABS CBN.

“Nakakanerbiyos sobra. Nanginginig nga po ako, pero when my name was announced, parang lumulutang ang feeling. Napakabait ng Diyos sa akin. I was given a second chance sa career and to fix my life with my children. I was given a chance na kahit papaano, maipakita na hindi lang pagpapa-sexy sa pelikula like before, ang kaya kong ipakita sa lahat.

“Bihira ang mabigyan ng second chance, kaya nga po promise ko sa sarili ko na hindi ko sisirain ang trust na ibinigay sa akin ulit ng showbiz,” wika ni Sunshine.

Ayon pa sa aktres, malaking karangalan sa kanya na mapansin ulit ng PMPC.

“It’s really an honor na napansin na naman tayo roon sa ginawa nating MMK last year. I won also for Single Performance by an Actress last year. So nakakatuwa naman na napapansin kahit papaano ang ating pinaghihirapan.

“Ang titindi nga ng kalaban ko, Judy Ann, Ms. Nora Aunor, Angel Locsin, Kaye Abad, basta iba-iba at mga bigatin talaga. Ako, being nominated, napakalaking achievement at flattered na ko roon. Parang ganoon din ako last year, ang bibigat din ng mga kalaban ko and I wasn’t expecting na mananalo ako. Pero salamat sa Diyos.

“Ako naman, ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko of course para gampanan nang maayos ang role and at the same time, I really have to do my best because bread and butter ko ‘to. Ang kinikita ko rito ay para sa mga anak ko, so lahat ng ipagkakabuti at pagiging professional sa trabaho, ginagawa ko.”

Nagpapasalamat din si Sunshine sa pag-aalaga sa kanya ng Kapamilya Network dahil nakatakda siyang gumawa ulit ng bagong TV series sa Dos. Wala pa raw itong title, ngunit posibleng prime time raw ito at this December na ang start nila ng taping.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …