Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pancho Magno, thankful kay Direk Joel para sa pelikulang Tomodachi

120715 Pancho Magno Jacky Woo Bela Padilla

00 Alam mo na NonieSOBRA ang pasasalamat ni Pancho Magno sa ibinigay sa kanyang oportunidad ng award winning director na si Joel Lamangan para sa pelikulang Tomodachi. Ito’y tinatampukan nina Jacky Woo at Bela Padilla at isa si Pancho sa gumanap ng mahalagang papel dito.

“Grabe yung growth mo as an actor kapag na-handle ka ni Direk Joel. As in, magagamit mo yung natutunan mo in your everyday life, e. Itinuturo niya sa iyo, like being professional, ang dami niyang insights kasi, e.

“Sabi niya parang, as an actor, kahit anong ibigay sa iyong role, kung talagang pag-aaralan mo… Kasi ako, wala akong idea about sa Japanese time, sa Japanese era.

“So, sobrang dami kong natutunan talaga kay Direk Joel dito. Biggest break ko po talaga ang project na ito,” pahayag ng hunk actor na si Pancho.

Ano yung ine-expect mo sa magiging pagtanggap ng audience sa iyo rito? “Well, hopefully sana ay maganda, sana positive. I really prepared for this movie knowing that it’s gonna be Joel Lamangan directing it. So, it’s really a lifetime experience,” masayang saad pa ng Kapuso actor.

Ano ang masasabi mo kina Jacky at Bela bilang co-actors? “I’ve worked with Bela before, so it’s much easier now to do scenes with her. Jacky is a very nice person and always smiling. They are very supportive actors.”

Ang Tomodachi na ang kahulugan ay kaibigan, ay kuwento ng pagmamahalan nina Toshiro (Jacky) at Rosalinda (Bela). Isang pag-iibigan sa pagitan ng isang sundalong Hapon at Filipina na naganap sa sa panahon ng digmaan.

Ang Tomodachi ay mula sa Global Japan Incorporated at Forward Entertainment. Bukod sa Pilipinas, ang pelikula ay ipalalabas din sa Japan. Ito’y tinatampukan din nina Eddie Garcia, Hiro Peralta, Jim Pebanco, Tony Mabesa, Lui Manansala, Elora Espano, Sue Prado, at ang Japanese actor na si Shin Nakamaru.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …