ALAM ba ninyo na mas magastos para sa atin kapag ang nahalal sa poder ng lokal o pambansang pamahalaan ay mahina ang kokote kundi man bagito? Alam ba ninyo na isa ito sa mga dahilan kaya walang gamot sa health centers, walang pulis sa daan, kung bakit mababa ang sahod ng mga kawani ng pamahalaan o kung bakit tamad maglingkod at mababa ang morale ng mga empleyado ng gobyerno?
Dangan kasi para mapatakbo ng isang bobo o bagitong lider ang poder na tangan ay tiyak na mag-eempleyo ng katakot-takot na consultants, mga tao na hahawak ng renda ngunit walang pananagutan o accountability sa taong bayan. Pasasahuran nang malaki at bibigyan ng pribilehiyo kahit wala naman kasiguraduhan na magagampanan nang mahusay ang tungkulin na dapat sana, ang halal na lider ang gumagawa kung alam lamang niya ang buod ng mga dapat gawin.
Saan ngayon kukunin ang pondo para sa mga napakaraming consultants o advisers? Hindi ba sa kaban ng bayan? Pera sana ito na ibibili ng gamot para sa health centers, ibabayad sa mga pulis, o gagamitin sa pagpapataas ng sahod at morale ng mga kawani ng pamahalaan pero ibabayad ito ng bobo o bagitong lider sa kanyang consultants o advisers.
Sa paghahalal natin ng mga bobo at bagito na lider ay may kasalanan din tayo kung bakit walang pera ang gobyerno. Hindi lamang dahil ito sa mga corrupt na pulpol na politiko o pul-politiko kaya walang pera ang gobyerno, ito ay dahil din sa atin na hindi binibigyan halaga ang nakaatas na tungkulin na ihalal ag karapatdapat sa poder, ‘yung may alam at karanasan.
Ngayon kung ang ihahalal natin sa poder ay ‘yung alam ang dapat gawin, may utak at karanasan ay hindi na niya kailangan ng napakaraming advisers. Siya lamang at ilang susing tao mula sa mga estratehikong departamento ng lokal o pambansang pamahalaan ang kailangan para makabuo ng makabuluhang desisyon at mapatakbo ang gobyerno. Wala masyadong gastos at ang importante may pananagutan ang lider sa bayan…may accountability ‘ika nga.
Ito ang dahilan kung bakit hindi tama para sa malalaking pulpolitiko na magpatkbo ng kandidato dahil lamang sa “winnability” o name recall lalo na kung ang pinatatakbo ay sertipikadong walang alam at karanasan tulad ng mga napapanood na natin sa telebisyon. Dapat na tayong madala sa mala-student council na pamamahala ng gobyerno. Dapat tayong madala sa mga taong walang alam at karanasan ngunit mapilit na malulok sa puwesto.
Kung ilang lider na ng bansa na ang estilo’y ganito kaya tingnan naman ninyo kung nasaan tayo ngayon. Kapos ang “mabuting layunin” at pagiging “honest” para patakbuhin ang pamahalaan. Hindi lamang ang mga ito ang pangunahin na katangian ng isang mahusay na lider.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.