Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mar at Korina, ‘di namolitika sa pa-Christmas party sa press

110415 mar roxas korina sanchez
WALANG bahid-politika. Ito ang kakaiba—if not unusual—na paraan ng maagang pa-Christmas party ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez para sa entertainment media nitong Martes ng gabi sa grand ballroom ng Novotel sa Araneta Center.

The occasion was far from being a campaign platform sa Liberal Partystandard bearer para sa pagka-Pangulo sa darating na halalan. Bagkus it turned out to be an evening of music, raffle at pa-singing contest na tinawag na Rockkaoke with live accompaniment.

Nag-perform ng To Love Somebody ng Beatles trio sina dating DILG Secretary Mar, Alfred Vargas at Dan Fernandez. Nakuha sa kantiyaw si Korina—na may boses pala, ha?—who sang Kahit Maputi na ang Buhok ko, specially dedicated, of course, to her better half.

All along, inakala naming forum na sana ‘yon ni Mar para sagutin ang mga isyu lalo pa’t sunod-sunod na nasa balita ang kanyang mga katunggaling sina Senator  Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Tsansa sana ‘yon ni Mar to give a thought or two tungkol sa kanyang mga kapwa presidential aspirant on current issues that are perceived to give him leverage in the race.

Pero ang gabi ngang ‘yon ay mas nakapokus pa para aliwin at pasalamatan ang media for their support.

May party-party ambience pa after the main program na hindi na namin nahintay, gayunman ay mukhang strictly no politics ang okasyong ‘yon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …