Saturday , December 28 2024

Nasaan ang justice ni Leila de Lima?

041314 leila de limaITINATAAS ni ex-justice secretary Leila De Lima ang kanyang panatang magiging sugo ng katarungan sa sambayanang Pinoy.

Walang masama sa kanyang inaadhika.

Naniniwala tayo na lahat ng Filipino, mayaman o mahirap, nasa kapangyarihan  o wala ay nakararanas ngayon ng pakiramdam na mayroong krisis sa katarungan sa ating bayan.

Adbentaha lang ng may pera ang pagkakamit ng katarungan dahil mayroon silang panggastos sa pagkuha ng abogado, at kung ano-anong bayarin sa korte.

Nakikita natin sa dalawang mata at naririnig sa dalawang tenga kung paano ang proseso ng paglilitis sa mga kababayan nating sangkot sa robbery, theft  at iba pang  krimen.

Sa pagbasa pa lamang ng sakdal ay napakalaki na ng pagkakaiba kapag may pera ang akusado o wala. Kung mukhang kagalang-galang o mangmang.

Mayroon nga tayong alam na dinambong ang kabang yaman ng bansa, nasentensiyahan pero ngayon ay muling namamayagpag.

Kasi may pera sila.

Sana lang ay kabilang ‘yan sa justice na ipaglalaban ni Ms. De Lima.

Pero alam naman nating lahat na bigo ang kanyang administrasyon para mabilis na makamit ng mga biktima ng extra-judicial killings at media killings ang katarungan.

Mula sa Commission on Human Rights (CHR) ay nalipat si De Lima sa Department of Justice (DoJ) pero nakaramdam ba ang bawat Filipino ng katarungan?!

Wala tayong naramdaman.

Hanggang ngayon ay maraming bigong makamit ang katarungan sa hanay ng mga mamamahayag.

Kahit man lang sana bago siya nagbitiw at nagpasyang tumakbo sa Senado ay nakapagresolba man lang sana siya ng kaso sa media killings.

Iniwan niyang ‘nakanganga’ ang mga umaasa sa katarungang kanyang ipinangako.

Mukhang si Madam Leila lang ang makatitikim at magkakaroon ng ‘aguinaldo’  ngayong Pasko.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *