Friday , November 15 2024

Nasaan ang justice ni Leila de Lima?

00 Bulabugin jerry yap jsyITINATAAS ni ex-justice secretary Leila De Lima ang kanyang panatang magiging sugo ng katarungan sa sambayanang Pinoy.

Walang masama sa kanyang inaadhika.

Naniniwala tayo na lahat ng Filipino, mayaman o mahirap, nasa kapangyarihan  o wala ay nakararanas ngayon ng pakiramdam na mayroong krisis sa katarungan sa ating bayan.

Adbentaha lang ng may pera ang pagkakamit ng katarungan dahil mayroon silang panggastos sa pagkuha ng abogado, at kung ano-anong bayarin sa korte.

Nakikita natin sa dalawang mata at naririnig sa dalawang tenga kung paano ang proseso ng paglilitis sa mga kababayan nating sangkot sa robbery, theft  at iba pang  krimen.

Sa pagbasa pa lamang ng sakdal ay napakalaki na ng pagkakaiba kapag may pera ang akusado o wala. Kung mukhang kagalang-galang o mangmang.

Mayroon nga tayong alam na dinambong ang kabang yaman ng bansa, nasentensiyahan pero ngayon ay muling namamayagpag.

Kasi may pera sila.

Sana lang ay kabilang ‘yan sa justice na ipaglalaban ni Ms. De Lima.

Pero alam naman nating lahat na bigo ang kanyang administrasyon para mabilis na makamit ng mga biktima ng extra-judicial killings at media killings ang katarungan.

Mula sa Commission on Human Rights (CHR) ay nalipat si De Lima sa Department of Justice (DoJ) pero nakaramdam ba ang bawat Filipino ng katarungan?!

Wala tayong naramdaman.

Hanggang ngayon ay maraming bigong makamit ang katarungan sa hanay ng mga mamamahayag.

Kahit man lang sana bago siya nagbitiw at nagpasyang tumakbo sa Senado ay nakapagresolba man lang sana siya ng kaso sa media killings.

Iniwan niyang ‘nakanganga’ ang mga umaasa sa katarungang kanyang ipinangako.

Mukhang si Madam Leila lang ang makatitikim at magkakaroon ng ‘aguinaldo’  ngayong Pasko.

Tsk tsk tsk…

Unopposed si Parañaque Mayor Edwin Olivarez

HINDI pa man nag-uumpisa ang kampanyahan para sa Mayo ay tapos na agad ang eleksiyon sa Parañaque City.

Dahil sa maayos na serbisyo, walang tumapat kay Mayor Edwin Olivarez.

At hindi na tayo nagtataka rito.

Iba ang track record ni Mayor Edwin Olivarez. Winalis niya kung ano mang track records mayroon ang mga nagdaang mayor sa kanilang lungsod.

Mula sa batayang serbisyo  gaya ng kalusugan at edukasyon, walang mairereklamo ang kanyang constituents.

 Tax collections? Siya lang ang mayor na nagparamdam  sa kanyang mga kababayan na ang buwis na kanilang binabayaran ay muling bumabalik sa maga taga-Parañaque sa pamamagitan ng mabuting serbisyo.

Ano pa ang hahanapin ng constituents kung ang Mayor ay complete?!

‘Yan ang dahilan kung bakit walang naglakas-loob na lumaban.

‘Yan si Mayor Edwin Olivarez!      

Malungkot na pasko sa mga nasunugan

KA JERRY, malungkot ang Pasko naming ngayon. Hindi naming akalain na masunog ang aming tinitirahan. Hanggang ngayon ay sa kalye pa rin kami  natutulog. Hirap sa tubig at pagkain.  Maliban sa mga pasindak na relief ng mga  politiko, wala pa po kaming natatanggap na tulong mula sa gobyerno lalo sa DSWD. Paki-BULABOG lang po ang mga kinauukulan. Namamantot na po kami rito. Salamat  po. Pakitago ng number ko. +63919530 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *