Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miles at Julia, ‘di nagsasapawan

120415 julia barretto miles ocampo

00 SHOWBIZ ms mISA kami sa natuwa dahil sa wakas, nabigyan na ng first starring role sa isang teleserye si Miles Ocampo. Nagulat nga kami nang humarap ito sa presscon ng And I Love You So ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television dahil nag-iba ang hitsura. Pumayat at lumabas ang tunay na ganda at dalagang-dalaga na.

Makakasama ni Miles sa And I Love You So na mapapanood na sa Disyembre 7 sina Inigo Pascual, Julia Barretto, Angel Aquino, at Dimples Romana.

Gagampanan ni Miles ang karakter ni Joana Ramirez, ang mabait na anak ni Michelle (Dimples).

Mabigat ang karakter na ginagampanan ni Miles kung ikokompara sa mga ginawa na niya tulad ng light comedy na Home Sweeties Home, Luv U at iba pa. Kaya naman excited din ang dalaga. “Rati napapanood ko lang ‘yun. Na ‘yung isa inaapi, ‘yung isa ipagtatanggol niya ang sarili niya. So ‘yung process ng paggawa namin ng show masaya so excited ako na mapanood nila.”

Iikot ang kuwento sa kanilang dalawa ni Julia (Trixie) na magkakompetensiya sa lahat ng bagay tulad ng sa eskuwelahan at pag-ibig. Kaya naman natanong ang dalaga kung may sapawan kayang mangyari sa kanila ni Julia lalo’t iyon ang nakita sa trailer ng I Love You So.

“Sobrang close kami ni Julia. Sobrang nakatutuwa nga na ang bilis naming nag-click together. Kapag may scenes kami na magkasama ang hirap magpigil lagi ng tawa kasi sobrang masaya kami,” paliwanag ni Miles at iginiit na never silang nagkasapawan. Ginagawa lamang daw nila ang kanilang trabaho.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicaiso

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …