Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathniel fans viewers sobrang kinilig (Sa muling pagtatagpo nina Yna at Angelo sa “Pangako Sa ‘Yo”)

120415 kathniel PSY
DINUMOG nang mahigit 11 million fans sina Kathyrn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang PSY Thanksgiving Day, last Sunday sa Ayala Fairview Terraces. Ang iba nilang fans ay galing pa sa iba’t ibang probinsya.

Kagabi, sa episode ng kanilang top-rating teleserye na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling pinakilig ng KathNiel love team ang mga viewer ng kanilang love drama soap nang muling nagtagpo ang character ng dalawa na naganap sa restong pag-aari ni Yna (Kathryn) at supplier naman ng Pastries si Angelo.

Dahil sa cupcake, na sobrang nasarapan si Yna agad niyang ipinahanap kung sino ang gumawa nito. Ito pala ang magiging daan upang muling pagtagpuin ng tadhana ang landas nila ng dating nobyong si Angelo. At hindi lang kilig ang hatid sa pagkikitang ito nina Yna at Angelo kundi naisalawaran nila sa nasabing eksena na sa pag-ibig ay mayroon talagang forever. Bagaman hindi pa ipinapakita na nagkabalikan na ang dalawa, ang wish ng lahat ay soon na ito mangyari.

Samantala marami sa viewers ng PSY, ang nakami-miss sa AmoRado love team nina Amor Powers (Jodi Sta. Maria) at Eduardo Buenvaista (Ian Veneracio) na mahigit one month na rin hindi nasisilayan sa seryeng ito.

Well abangan ninyo dahil nalalapit na rin ang pagbabalik nila.

Pangako ‘yan gyud!

VOICE OF THE NIGHTINGALE NI LANI MISALUCHA JAMPACKED ANG FIRST NIGHT SA THE THEATER

Siguradong abot-abot ang ngiti ng ilang dekada nang kilala sa concert scene bilang producer na si Ana Puno ng Star Media sa naging outcome ng unang gabi ng concert ni Lani Misalucha na “Voice of The Nightingale,” na ginanap kamakalawa ng gabi dahil jampacked ito sa rami ng mga taong nanood ng show.

At ‘yung mga gusto pang ma-watch si Lani at ang kanyang special guest na kapwa niya international singer na si Arnel Pineda, mamaya, naka-schedule ang second night ng show ng Asia’s Nightingale sa The Theater sa Solaire Resort and Casino.

For Lani very happy siya dahil tulad ng ginawa niyang series ng Voice Nightingale sa Guam, Chicago at ibang bansa ay naging blockbuster rin ito sa Pinas. At deserve naman niya kung tauhin siya dahil napakahusay niyang performer.

Hinangaan ang world-class talent niya ni Celine Dion and other famous foreign artist. Kaya nga hindi nawawalan ng raket kahit saan si Lani kasi laging maganda ang feedback ng mga ginagawa niyang show.

As usual most requested pa rin sa repertoire niya ang kanyang monster hit na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” na paboritong kantahin sa Videoke Bar at Comedy Bar ng mga beking stand-up comedian. Itinanghal siyang “Best Singer” ng 27th Annual Best of Last Vegas si Lani M.

Puring-puri ni Arnel ang biriterang Diva sa presscon ng kanilang show sa Solaire. Aniya, big fan siya at napatutulala siya tuwing kumakanta si Lani.

Sinabi naman ng Diva na masayang katrabaho si Arnel dahil magaan raw kasama at very nice guy pa.

Kaya pala may rapport gyud!

ONYOK (SIMON) NANGANGANIB ANG BUHAY COCO, ALBERT AT RICHARD SAGUPAAN NA SA FPJ’S ANG PROBINSYANO

Siguradong tulad nang sikat na “tagline” ni Onyok (Simon Pineda) ay mapapa ‘Ay Naku,’ rin ang lahat ng mga tagasubaybay gabi-gabi ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” ng Dreamscape Entertainment.

Kasi sa episode this week, ng inyong numero unong teleserye sa ABS-CBN Primetime Bida ay malalagay sa panganib ang buhay ni Onyok. Dahil sa kanya ay masasaksihan sa action-drama serye ang sagupaan sa pagitan ng kanyang Kuya Cador na si SPO1 (Coco Martin) laban sa Daddy ni Police Senior Inspector Joaquin Tuazon na si Tomas (Albert Martinez) at ang Dragon ng Sindikato na si Philip played by Richard Yap.

Pagsasagupain ni Tomas ang dalawa upang hindi matuloy ang drug-traficking business na plano ni Philip. Isang tauhan ni Tomas ang magsasabi kay Cardo tungkol sa truck na naglalaman ng kahon-kahong droga.

Ngunit hindi inaasahang sasakay din si Onyok, kasama ang kanyang Kuya Benny (Pepe Herrera). Mapipigilan kaya ni Cardo ang operasyon ng droga at mailigtas sina Onyok, na kanyang patner at si Benny.

Magtagumpay kaya ang kasamaan ni Tomas? Para masagot ang inyong tanong? Huwag kaliligtaang panoorin ang FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Consistent pala ang nasabing serye sa 40% pataas nilang ratings!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …