Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina Feleo, pinabilib ni Therese Malvar sa indie film na Child Haus

120415 Child Haus

00 Alam mo na NonieNANAY ng isang batang may cancer ang papel ni Ina Feleo sa pelikulang Child Haus ng BG Production International ni Ms. Baby Go. Anak niya rito ang award winning child actress na si Therese Malvar na kakikipaglaban sa sakit na leukemia.

Ipinaliwanag ni Ina ang papel niya rito. “Ginagawa niya ang lahat para sa anak niya, basically, pinakita ko rito yung typical na pinagdadaanan ng isang nanay. May problema lang na na-create, dahil sa aming dalawa, si Therese ang mas strong,”

Ano ang masasabi niya kay Therese na sa murang edad ay dalawang Best Actress award na ang nakuha? “Magaling si Therese kasi natural siyang umarte. Wala naman kaming masyadong iyakan sa pelikula, walang ganoon. I like na yung acting niya, tama lang sa edad niya. Hindi parang trying to be mature, hindi rin pabebe. Very natural, hindi parang in-acting lang,” saad ni Ina.

Dagdag pa niya, “Malaki talaga ang potensiyal pa niya. Hindi siya mayabang. Pati ang nanay niya, ‘pag nakakausap ko, simple lang din. Tatagal pa siya.”

Si Therese ay nagwaging Best Actress sa unang Cine Filipino Film Festival para sa indie film na Ang Huling Cha-Cha ni Anita na kabilang ang Superstar na si Nora Aunor sa mga nakalaban niya. Sa katatapos na Cinema One Originals Film Festival 2015, wagi ring Best Actress ang talented na alaga ni Ferdie Lapus para sa pelikulang Hamog.

Samantala, ipinahayag sa amin ni Ina na nakaka-relate siya sa ginampanang role sa pelikulang Child Haus. Biktima kasi ng cancer ang kanyang ama. Si Ina ay anak ng award-winning actor at director na sina Johnny Delgado at Laurice Guillen, respectively.

“Nakaka-relate talaga. Alam ko ang feeling ng may pinagdadaanan sa buhay like cancer with someone you love, kasi cancer victim rin ang Dad ko. So, madali na sa akin iyong role dahil nandoon lang iyon.

Idinagdag pa niyang dahil sa nangyari sa Dad niya, mas naging health conscious daw siya. “Mas naging aware ako ngayon sa mga health issues. Mas naging conscious ako sa aking diet at lifestyle. Simula noon, bawas na ako sa fast foods o sa mga chips. Tapos, may exercise rin at siyempre, clean and healthy living to live a stress-free life.

“Actually, si Daddy hindi niya nagawa iyon, siguro kulang pa siya sa push noon to fight his cancer.”

Ang Child Haus ay isang advocacy film na mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio. Ito ay kasaysayan ng mga batang may cancer na pinipilit maging normal ang buhay, sa kabila ng kanilang karamdaman. Bukod kina Ina at Therese, tinatampukan ito nina Katrina Halili, Vince Magbanua, Mona Louise Rey, Felixia Dizon, Erika Yu, Leni Santos, Christopher Roxas, at iba pa.

Ito ay kalahok sa 14th Dhaka International Film Festival sa children’s section category sa Bangladesh.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …