Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, lantaran ang pag-endoso kay Mar; Robin, si Duterte ang susuportahan

120315 Robin Duterte kathryn mar roxas
AFTER much guessing game kung sino ang kanilang minamanok sa hanay ng mga presidentiable, finally ay lantaran na ang pag-eendoso ng tambalang KathNiel sa kandidatura ni Mar Roxas.

Kalat na nga ang mga larawan ng mag-asawang Mar at Korina Sanchez sa social media with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo all dressed in yellow na animo’y anibersaryo ng Edsa Shrine!

Kaya ang tanong tuloy: bilang miyembro ng INC (Iglesia Ni Cristo), hindi ba’t mahigpit na tagubilin sa Kapatiran na bawal ang lantarang pag-eendoso sa isang kandidato sa panahon ng pangangampanya?

Nagkataong naabutan naming in-studio guest ng programang Cristy Feminute nina Crity Fermin at Richard Pinlac sa Radyo 5 si Gladys Reyes, also an INC member.

Naitanong tuloy sa mahusay na aktres kung may alam ba siya roon. “Sa totoo lang, Nanay Cristy, wala po akong alam. As in hindi ko po alam kung ano ang status ngayon ni Kathryn sa INC.”

Lalo pang ikinagulat ni Gladys nang sabihin ni Cristy on air na hawak niya ang eksaktong pigura kung magkano ang bukod na ibinayad sa sikat na loveteam. “Naku, lalo hindi ko po alam ‘yan,” salag ni Gladys.

Samantala, magkasalungat naman ang minamanok ng magtiyuhing sina Robin at Daniel. Ayon kay Robin, kahit libre ay ikakampanya niya si Rodrigo Duterte sa pagka-Pangulo, while Daniel is rooting for Mar.

Hay, politika…who says na pinagkakaisa nito ang kaisipan kahit ng mga magkakadugo?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …