Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angela Markado, tiyak ang pagkita sa takilya

120315 angela markado
IN A sense ay isang family film na matatawag ang Angela Markado, a remake of an 80’s movie na pinagbidahan ni Hilda Koronel.

This time with Andi Eigenmann in the title role, ang henyo sa likod ng pagdurusa ni Angela sa kuwento na si Carlo J. Caparas ang siya ngayong director ng kanyang mismong obra sa komiks.

Siyempre, if direk Carlo J. is around, can his lovely, ageless betterhalf Donna Villa be far behind? Mula noon hanggang ngayon, si Tita Donna na ang nagsisilbing hangin sa ilalim ng mga pakpak ni direk Carlo J., ‘ika nga.

Ang katuwang naman sa pagdidirehe ng mahusay na nobelista ay ang kanyang anak na si Peach na umani ng maraming papuri mula sa cast na bumubuo nito “for having taught them a lot.”

At isa naman sa limang rapists dito ay ang isa pang anak ng mag-asawa na si CJ Caparas. At alam n’yo ba na sumabak si CJ sa mapanghamong papel bilang sadistang manggagahasa nang hindi man lang sumasailalim sa acting workshop?

To think na mga beterano ang mga kapwa niya rapist sa pelikula na sina Epy Quizon, Paolo Contis, Polo Ravales, at Felix Roco? Pero ‘ika, naipasa naman ‘yon ni CJ with flying colors.

Showing this December 2, hinuhulaan nang takilya buster ang Angela Markado that marks the return to the screen ng nag-iisang Carlo J. Caparas!

 

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …