GAMAY na raw katrabaho ni Sunhine Dizon sina Allen Dizon at Direk Joel Lamangan. Nandoon ang challenge dahil mabusisi raw talaga si Direk Joel, si Allen naman ay relax daw siyang katrabaho sa latest movie nilang Sekyu.
“In general, mahirap kasi ‘pag si Joel Lamangan you really have to give your best and give your all. He’s very particular with all the scenes, talagang tutok na tutok siya when we were all doing this. May storytelling siya ngayon na kakaiba dito sa Sekyu na very particular talaga siya.
“Even with the acting, very particular siya in every scene na sasabihin niya, ‘O, dito, quiet lang.’ Even with the crying, ayaw niya ng loud crying. Basta grabe talaga, sobrang binusisi talaga,” esplika ni Sunshine.
May pagbabago ba kay Direk Joel, dahil sabi niya ay maghihinay-hinay na siya mula nang atakihin siya sa puso? “Ganoon pa rin, kaya iyong mga tsismis na mahina na raw siya, it’s not true, hindi siya kaya ng sakit!” nakatawang pahayag ng aktres.
“There are no small roles for Direk Joel, he always pushes you to be the best, so it’s always a challenge. And hindi naman ako napi-pressure kapag si Direk Joel, I enjoy working with him kasi I know I’m in good hands. And I’m honored because in this film he specifically requested for me.”
Ayon pa kay Sunshine na gamay na niyang katrabaho ang magaling na aktor.
“Asawa ulit ni Kuya Allen ang role ko rito. Kung sa Kamkam, tatlo kami nina Jean Garcia at Jackie Rice na asawa niya. Dito sa Sekyu, one and only wife niya ako. Komportable na akong katrabaho si Kuya Allen, okay naman, he’s very nice at saka gentleman. Para ko na siyang kaibigan at kabarkada, at saka kababayan din namin siya sa Pampanga.
“Si Kuya Allen naman in every role that he plays, parang very natural for him, I guess his role here in Sekyu is something new.”
Ang Sekyu ay mula sa BG Productions International na prodyus nina Ms. Baby Go, Romeo Lindain, at Dennis Evangelista. Bukod kina Allen at Sunshine, kasama rito sina Melai Kristoffer King, Rez Cortez, Racquel Villavicencio, Kiko Matos, Jaime Pebanco, Jenica Me Amores, at Solomon Mark de Guzman. Ang Sekyu ay official selection sa 21st Kolkuta International Film Festival sa India at sa 14th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio