Sunday , December 22 2024

Sanggol patay sa malupit na ama (Ibinitin nang patiwarik, sinampal, sinuntok)

PATAY ang isang isang-taon-gulang lalaking sanggol makaraang walang-awang ibitin nang patiwarik, pinagsasampal at pinagsusuntok ng sariling ama sa Quezon City.

Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, Quezon City Police District (QCPD) director, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), naaresto si Nazarenio Mendiola, 38, tubong Pangasinan, at naninirahan sa Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, suspek sa pagpatay sa kanyang anak na si Tylor Jerick Mendiola.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roldan Cornejo, ng CIDU, base sa salaysay ni Loraine, 28, ina ng sanggol, napansin  niyang wala nang buhay ang kanilang anak dakong 4:15 a.m. nitong Linggo, makaraang ibitin nang patiwarik at walang awang pinagsasampal at pinasusuntok ng kanyang mister dahil hindi tumitigil sa pag-iyak ang sanggol.

Bagama’t umiiyak at sumisigaw sa pagmamakaawa si Loraine sa asawa para tigilan ang pambubugbog sa anak ay lalo pang nagalit ang suspek at maging ang misis ay pinagbalingang bugbugin.

“Awang-awa ako sa aking anak dahil binitin siya nang patiwarik ng asawa ko at walang-awang pinagsasampal at pinagsusuntok sa mukha at ulo, kaya pinigilan ko siya pero galit na galit at pinagsusuntok din ako,” naiiyak na pahayag ni Loraine kay PO3 Cornejo.

Makaraan ang pananakit,  umalis ang suspek  kaya nagkaroon ng pagkakataon si Loraine na humingi ng tulong sa kapitbahay at agad isinugod sa Bautista Clinic ang anak ngunit ipinalipat sa East Avenue Medical Center ngunit dineklarang dead on arrival.

Aminado si Loraine na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang suspek at madalas din saktan ng suspek ang iba pa nilang anak.

Sa panig ng supek, itinanggi niya ang paratang at sinabing wala siyang matandaan na ginawa niya sa kanyang anak.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *