Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-apruba ng Bicam sa 2016 budget iniliban

HINDI tumagal ng 10 minuto ang unang araw ng Bicameral Conference Committee ng Senado at Kamara kaugnay sa P3.002 trilyon panukalang national budget para sa susunod na taon

Agad ding sinuspinde ang Bicam, makaraang hilingin ng House of Representative contingent na bigyan muna sila ng kopya ng bersiyon ng Senado hinggil sa 2016 proposed national budget.

Ito ay upang mapag-aralang mabuti ng mga kongresista ang mga detalye ng budget na kanilang pagkakasunduan.

Dahil dito, muling magpupulong ang mga senador at kongresista sa pagtatapos ng linggong ito o kaya sa pagsisimula ng susunod na linggo.

Sa panig ng Senado, target nilang matapos ng Bicam ngayong linggo ang deliberasyon para maratipika sa susunod na linggo at maisumite sa Malacañang para lagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Disyembre 14, 2015.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …