PORT of Cebu (POC) District Collector Marcos, ano na po ba ang resulta ng imbestigasyon sa mga ninakaw na imported BIGAS sa inyong pantalan na umaabot sa 20 container vans sa ginawang SWING OPERATION, by using FAKE DOCUMENTS .
Ang malupit pa rito ‘e walang binayarang BUWIS, kahit isang sentimo!
But for sure may nabayaran sa mga kasabwat na mga tulisan. May naparusahan na po ba at kung sino sino sila?
Ano pala ang putok na balita diyan sa Port of Cebu, that a certain “ALIN-G” ang mabigat daw diyan ngayon at tinalo pa raw ang old players.
Paki-check nga Comm. Bert Lina.
MICP paboritong daanan ng misdeclared goods
May nasakoteng 1×40 container van na idineklara na naglalaman ng 1,030 children handbags, street lamps and school supplies etc., sa Manila International Container Port (MICP) pero nabuking ng customs na ang tunay na laman ay mga assorted medicines in a 452 boxes from XIAMEN China na 5,120,00O tablets tulad ng TUSERAN FORTE, DECOLGEN, KREMIL-S, at BIOGESIC and 210 bags/25k ng mga bigas ,various motorcycle parts other undeclared item consigned to RESPAWNABLE ENTERPRISES.
Wala pang actual result or finding if the said medicines ay FAKE or not. But for sure mga peke ito.
May isang container declared naman na BOXES and GROCERY items pero naglalaman pala ng mga branded TOYS and PORK luncheon meat consigned to BERBA ENTERPRISES.
May isang container din na declared PLASTIC TOYS pero ang laman ay assorted car accessories, branded toys and other branded items consigned to BLUE IMPLUSE TRADING.
Ang tatlong consignee ay sasampahan ng kaso ng Bureau of Customs for smuggling dahil sa misdeclaration ng kanilang kontrabando bilang general merchandise.
Ang tanong, bakit paboritong bagsakan ng misdeclared goods ang MICP?
Alam ko ang sagot, ewan ko lang kung alam na rin ninyo!?