Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo Magalona belong na sa Kapamilya actors, unang teleserye sa Dreamscape Entertainment katambal si Janella Salvador

113015 Elmo Janella
GRATEFUL si Elmo Magalona sa 5 years, niyang pananatili sa GMA 7 kaya naman kahit na nagtapos na ang kontrata ng young singer actor sa dating mother network at wala nang renewal na nangyari ay maayos ang naging paglipat niya sa Kapamilya network.

“Hindi ko naman po iniwan ‘yung five years na experience na ibinigay sa akin ng GMA. That’s what put me into this one. ‘Yun po ang nag-mold sa akin,” pahayag ni Elmo bilang paglilinaw sa pag-alis niya at desisyon na lumipat.

Sinabi ito ng actor nang sabay silang iharap last week ng makakatambal niyang si Janella Salvador sa “Born For You.” Yes kakapirma pa lang ni Elmo sa Star Magic, co-manager sa career niya ang mommy na si Pia Magalona. May project na agad siya sa ABS-CBN at hindi lang isa kundi mapapanood n’yo na rin siya soon sa ASAP 20 na forte talaga ng anak ni late Francis Magalona.

Anyway sa nasabing pocket presscon ay sinabi ni Elmo na kaka-meet lang daw niya kay Janella last week at madali silang nagkasundo nito, dahil pareho silang galing sa family of musicians.

Aware si Elmo na nasa Kapamilya ang mga sikat na love teams ngayon kaya hindi raw maiiwasan na ma-pressured siya, pero gusto na raw niyang magtrabaho at ma-challenge. At tulad niya ay excited na si Janella na masimulan ang proyekto at hindi naman daw itinatapon ng dalaga ‘yung love team nila ni Marlo kundi trabaho lang daw na dapat niyang gawin. Thankful si Janella at pinagkatiwalaan sila ng Dreamscape na maging partner ni Elmo sa magandang project.

May pagka-musical ang Born For You, pero wala pang ibang detalye kung sino ang mga bubuo ng cast at magiging director ng soap.

Let’s wait and see na lang gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …