Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UpGrade’s Unstoppable, ‘di natakot kay Sarah!

120115 upgrade sarah g

00 SHOWBIZ ms mHINDI namin akalain na marami pala ang fans ng grupong UpGrade kaya ganoon kabilis ang benta ng ticket para sa kanilang Unstoppable concert sa Disyembre 4, Music Museum, 8:00 p.m.. na prodyus ng Aqueous Events.

Isa pala ang UpGrade sa ikinokonsiderang hottest at freshest all-teen boyfriend sa bansa ngayon kaya wala silang takot na makipagsabayan sa concert ni Sarah Geronimo na From The Top na gagawin sa Araneta Coliseum naman.

“Magkaiba naman ang genre ng Upgrade at Sarah G, more on bagets naman itong grupo at saka nasa 80% na po ang tickets selling namin. May ilang days pa, so most probable baka ma-sold out na,” sambit ni Adelle Albano, ng Star Image Artist Management, isa sa namamahala sa UpGrade kasama ang katotong si John Fontanilla.

Taong 2011 nabuo ang UpGrade na kinabibilangan nina Armond, Casey,Ivan, Mark, Miggy, Raymond, at Rhem. Pagkaraan lamang ng ilang buwan, inilunsad sila sa Master Showman, Walang Tulugan ni Kuya Germs Moreno na kaagad kinagiliwan ng mga tin-edyer.

Marami nang awards ang natanggap ng UpGrade at nadagdagan pa ito sa pagkaka-release ng kanilang album na Unstoppable na ipinamamahagi ng Star Music.

Halina’t panoorin ang UpGrade para kayo mismo ang magsabi kung bakit nga ba isa sila sa hottest at freshest all teen boyband sa Dec. 4, Music Museum.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …